JANELLA, JOSHUA, MAY SARILING BONDING NA

(NI BOY ABUNDA)

NAKA-MOVE ON na si Janella Salvador mula sa naging relasyon at mga kontrobersiya sa pagitan nila ni Elmo Magalona noon.
Ayon sa aktres ay talagang matindi ang pinagdaanan niya noong mga panahong mayroon silang espesyal na ugnayan ni Elmo.

“It was like a rough patch. More on challenges siya sa personal life. It was a certain stage of my life na kinailangan ko rin pagdaanan para ngayon mas alam ko na kung ano’ng gagawin ko ‘pag nando’n ako sa situation na ‘yon. I know how to handle life better and actually, alam ko may mga darating pang challenges kasi gano’n naman talaga, minsan nasa taas, minsan nasa baba. So, if there’s one thing I learned, it’s that I have to be prepared din talaga kung may pro­b­lemang dadating. If it’s the same thing, then I know how to handle it na,” nakangiting pahayag ni Janella.

Wala nang komunikasyon sa pagitan ng aktres at ng binata ngayon.

Maraming beses nang nagkita sa events ang dalawa pero hindi na lamang daw pinansin ni Janella ang aktor.

“Wala, you have to realize that it’s a small industry. So, magkikita at magkikita talaga kayo if ever. So it’s happened many times actually to me. ‘Pag nangyari ‘yon, wala, just deadma lang,” giit ng dalaga.

Samantala, madalas na nagkakakwentuhan sina Janella at Joshua Garcia ngayon dahil magkasama ang dalawa sa teleseryeng “The Killer Bride”.

Kapag nasa taping ay maraming mga bagay daw ang napag-uusapan nina Janella at Joshua.

“Sobrang nakakatuwa, I’m actually having so much fun working with Joshua. It’s true what they say, napakagaling niya talaga. Nagkaroon na rin kami ng sariling bond eh. Open kami sa isa’t isa. Kapag may problem, nakakausap namin ang isa’t isa. So, kapag nagkakaeksena kami, talagang naiintindihan na namin sa isa’t isa tinginan pa lang,” pagbabahagi ni Janella.

 

96

Related posts

Leave a Comment