JANINE NALUSUTAN ANG MGA BASHERS

0

SCENESUNANG pelikula ni Janine Gutierrez ang Elise sa Regal Entertainment, Inc. kaya excited ang Kapuso actress dahil napapanood raw niya ang mga pelikula dati ng ina niyang si Lotlot de Leon sa ilalim ng produksyon ni Lily Monteverde.

“Favorite ko yun nung bata pa ako so I’m happy kasi nung first time ko ma-meet si Mother [Lily] after a long time, dati ko pa naman siya na-meet, pero nung nag-meet kami for this project tuwang-tuwa akong makinig sa mga kuwento niya ng mga shooting nila dati ni mama and  papa, yung mga Love Boat, ganyan-ganyan.

”Kinuwento niya na muntik ng lumubog yung barko, ganyan-ganyan. So happy ako kasi alam ko na pag Regal talagang legendary sa paggawa ng pelikula and finally makakagawa na ako sa Regal.”

Tulad ni Lotlot ay Regal baby rin ang ama ni Janine na si Ramon Christopher; sikat na sikat noon ang loveteam nina Lotlot at Monching at lahat ng mga pelikula ng dalawa ay kumita sa takilya.

Samantala, madalas napupuri si Janine ng mga netizens dahil sa mahusay at class na pagsagot niya sa mga bashers.

“Talaga ba?

“Bihira lang naman akong sumagot.”

Pero sa iilang beses na sumasagot si Janine ay naipapakita nito sa mga bashers at sa publiko na edukada siya at hindi palapatol.

“Nakakatuwa! At tsaka I feel very lucky kasi  wala pong masyadong namba-bash. E iyon naman po yung ikinanininerbiyos ko talaga dati.”

Noong kasalukuyang umeere ang Victor Magtanggol nila ni Alden Richards ay hindi tinantanan si Janine ng bashers na ang gusto ay si Maine Mendoza palagi ang kapareha ni Alden.

“Pero ngayon wala na namang masyado na bashers.”

Malapit na ring mapanood si Janine sa bagong serye ng GMA, ang Dragon Lady, kung saan si Tom Rodriguez ang kapareha ni Janine.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment