JC SANTOS: ‘SOBRANG HIRAP MAGING NANAY!’

MAGDADALAWANG buwan na ang anak ni JC Santos at asawang si Shyleena Herrera.

Ayon sa aktor, walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan dahil sa pagiging bagong ama sa anak nilang babae.

“So far, pare-pareho kami ng mga bagong daddy ngayon. Walang tulog habang pinagsasama ‘yung work at pagiging daddy at the same time. Saka nakabantay ako, gustong-gusto kong nagbabantay, gustong-gusto na inaalagaan ko siya, papalitan ko ‘yung diaper. Gusto ko ‘yung ginagawa ko, enjoy.  Made-describe ko siya no’ng first time ko siya nahawakan ito pala ang feeling ng great joy. Naiiyak ka, tapos totoo na siya, nasa harap ko na at healthy. As in pray ako nang pray na maayos ‘yung baby at wife ko,” nakangiting kwento ni JC.

Kahit pagod mula sa trabaho ang aktor ay talagang sinisikap daw nitong maalagaan ang anak sa tuwing umuuwi sa kanilang bahay.

“Nag-e-enjoy ako, sobra. Totoo ‘yung sinasabi nila na kapag makita mo lang ‘yung ngiti ng anak mo, wala na lahat (ng pagod). Kasi from gabi na, para kang sumabak sa giyera na kada isang oras gumigising, pagkita mo umaga na. Ang hirap ah, I have so much respect for women. Nai-imagine ko, paano ‘yung mga single mom? Kung ako ngayon nahihirapan, dalawa na kaming magkasama. Sobrang hirap maging nanay,” pagbabahagi niya.

Mula nang magkaroon ng sariling pamilya ay nagbago na raw talaga ang pananaw ni JC sa buhay. Ayon sa aktor, maraming mga bagay ang kanyang natutunan mula nang maging asawa at ama.

“Maraming-maraming realizations like hindi na ako pwedeng mag-isip para sa sarili ko lang. Kailangan kong mag-isip para sa pamilya ko,” giit ng aktor.

 

96

Related posts

Leave a Comment