“KAYA KO DING MAGMURA” – ALDEN

ALDEN RICHARDS-20

(By ROMMEL GONZALES)

Nais ni Alden Richards na makagawa ng indie film.

“Never pa po akong nakagawa! Ang nag-iisang indie film ko pong nagawa is ‘yung ano, kay Ate Guy [Nora Aunor] po na short film, not considered as indie, pero parang indie film po kasi. napapanood ko po ‘yung mga indie films  ngayon especially Cinemalaya, kagaya nung mga konsepto na si Ms. Ai na nanalong Best Actress, ‘yung mga ganyan.”

Papayag ba siyang maghubad sa isang indie film?

“Hindi naman siguro sa sexy, sa material po talaga ako naka-base, pero not really into sexy.”

Si Ai Ai delas Alas sa School Service na indie ay mura ng mura; doon din nanalo si Ai Ai bilang Best Actress sa Cinemalaya this year.

Kaya raw niyang gawin ‘yun,  ang magmura o yung role ng lasenggero.

“Opo, gusto ko pong makita nila ‘yun, dark side, kaya ko po ‘yun.”

Meron ba siyang dark side?

“Sinusubukan ko na lang pong i-contain sa sarili ko tsaka sa mga taong malapit sa akin.”

Nagmumura ba siya?

“Hindi naman po natin maiiwasan ‘yun e.”

Pag nagagalit si Alden ano ang ginagawa mo?

“Nananahimik na lang po ako, kasi all the more na…na-experience ko po kasi ‘yan pag sa bahay, pag may mga moments po talaga na minsan siyempre tao lang din tayo, nagagalit tayo, hindi nating naiiwa-san ‘yan, ‘yung pinagsisihan ko po after ko pong masabi. So ‘yun na po ‘yung iniiwasan ko ngayon, na kapag feeling ko na… ah eto ‘yun, eto na ‘yung feeling na may masasabi ako na hindi maganda, kesa makasakit pa po ako tapos hindi ko na po mababawi…”

Kaya hindi siya masyadong nagsasalita sa mga issue?

“Hindi po e, opo e.”

Nakasuntok na  ba siya ng pader?

“Hindi pa naman po.”

Meron na bang offer na indie na maipapakita niya ang dark side niya?

“Wala pa naman po, parang after this po [GMA 7’s Victor Magtanggol] magpapahinga lang po ako for a couple months, magbabakasyon po kami ng family, kasi medyo hindi po naging madali ‘yung tapings namin sa Victor Magtanggol,” ayon pa kay Alden.

Magbabakasyon si Alden kasama ang pamilya niya sa Amerika mula December 18 hanggang bago mag-tapos ang taon.

Magpa-participate siya sa New Year Countdown ng GMA sa December 31.

Please follow and like us:

Related posts

One Thought to ““KAYA KO DING MAGMURA” – ALDEN”

  1. dodong

    Put ang Ina … Hehehehe..
    Marunong ako..😀😀😀

Leave a Comment