KC  NOT A THOUGHTLESS PRODIGAL DAUGHTER

ronnieUntil her birthday and beyond ay bitbit pa rin ni Sharon Cuneta ang kanyang holiday blues sa ‘di nila pagsasama ni KC Concepcion over Christmas’ Eve and New Year’s Eve dinners.

Pamilyar na ang ganitong hanash ng Megastar sa anak. In recent memory, she also took to her social media account her sentiments toward KC.

Ang kaibahan nga lang this time, may comparison si Sharon to that of her other children. Na may pagkakaiba naman talaga dahil unlike her daughter by Gabby Concepcion, ang mga ito’y hindi independent at nakasandal pa rin sa kanya.

KC is over 30 now. Bukod sa pinayagang makapag-aral sa ibang bansa (France), Sharon approved of her living an independent life, kabilang dito ang pagkakaroon ng lovelife.

Bilang ina, alam ni Sharon kung hanggang saan lang maaaring manghimasok sa personal na buhay ni KC. In fairness, the singer-actress hasn’t gone overboard.

Over the holidays last year, however, hanggang sa ipagdiwang niya ang kanyang kaarawan first week of January, hindi napigilang maglabas ng kanyang tampo si Sharon sa anak.

But to compare KC with her other kids—at maging kay Sarah Geronimo bilang anak kay Mommy Divine—seemed a little too much.

Hindi naman siguro ganu’n ka-thoughtless si KC, let alone a prodigal daughter.

Ang ending: mistulang inimbitahan ni Sharon ang mga netizens to a grand family affair na naki-join na rin sa isyu nilang mag-ina.

Hindi kinagalak ni Sharon ang ilang mga comments, calling the netizens na “walang magawa sa buhay” who are just out to make her and KC fuss over and quarrel.

Kasi naman, kung bakit naman kailangan pang isapubliko ang dapat sana’y isang internal issue best resolved in private.

Hayan tuloy.

YOUNG ACTRESS NAG-ISKANDALO SA GYM

Gumawa ng maiskandalong eksena ang isang young actress sa isang fitness center kung saan siya miyembro.

May patakaran kasi ang naturang establishment na hingan ng ID even from their members, taga-showbiz man o hindi, for security reasons.

Ilang daan din ang mga nagwo-work out doon kada araw who pass through rotating staff at the counter, kaya hindi namo-monitor ang lahat ng mga nagsa-sign in.

Once this young actress breezed in the gym, hiningan siyempre siya ng ID. Pero sa halip na tumalima ay nagtatalak daw ito.

Kesyo hindi raw ba kilala ng staff on duty kung sino siya and how popular at that? The ruckus caught the attention of the other gym members na napailing na lang, “kimkim” ang kanilang pagkadismaya sa eksenadorang aktres.

Related posts

Leave a Comment