KEN CHAN ‘KALMADO’ SA TATAY NA MAY KANSER

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

AMINADO si Ken Chan na ilang beses niyang iniyakan ang kalagayan ng ama niya na may kanser pero never siyang umiyak na kaharap ang ama niya.

May stage 2 cancer of the esophagus ang sakit ng ama ni Ken na na-detect July of last year lamang.

“Lakas ako ng tatay ko po, e.

“Sabi po sa akin ng mama ko, ‘Huwag mong ipapakita sa kanya.’

“Iiyak ako sa loob ng CR, iiyak ako sa… pag kunwari  nasa hospital kami, nasa room kami.

“Tapos  may isang time, isang beses nasa hospital kami, nanonood kami ng 24 Oras, biglang nakita  niya yung sarili  niya sa 24 Oras, nire-report. Hindi ko po sinabi sa kanya kasi yung tatay ko po, ayaw niya yung nakikita yung mukha niya dahil nahihiya po siya.

“Nagulat siya, wala siyang idea, may picture po niya, ako po ang nagbigay dahil dine-dedicate ko po yung My Special Tatay sa kanya.”

Ang My Special Tatay as drama series sa GMA na pinagbibidahan ni Ken.

“Tawang-tawa po siya pero biglang naging seryoso yung topic namin after that. “Sabi niya sa akin, ‘Anumang mangyari, sobrang proud ako sa iyo.’

“And sabi ko, ‘Pa, etong My Special Tatay dinede-dedicate ko sa iyo.’

“Niloloko-loko ko siya.

“Pero nung hindi ko na makayanan pumunta ako sa CR, dun ko ibinuhos sa CR ng hospital, sa kuwarto po namin.

“Dun ko iniyak dahil ayokong makita  niya na mahina ako  dahil ako ang lakas niya.

“Lalo na sa mga may cancer, dapat hindi natin ipinaparamdam sa kanila, na dapat ipapakita natin sa kanila na kaya! Dahil nade-depress sila at yung depression at anxiety ang nagpapalala ng cancer cells.

“Scientifically-speaking, ganun ang nangyayari, mas nagiging active yung mga cancer cells kung depressed or may anxiety ang isang tao.

“At ikaw ba naman malaman mo na may cancer ka, ano ang mapi-feel mo, di ba?

“So nandito kami, nandito ako para sa tatay ko para pasayahin siya at maging malakas para sa kanya,” sinabi pa ni Ken.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment