KRIS AQUINO NAGHAHANAP NG SINGLE MALES, AGED 41-55

TILA naghahanap ng prospective date si Kris Aquino sa recent post niya sa kanyang bagong personal Facebook account noong Martes.

Nagpapa-add siya sa mga single men, aged 41 to 55. “I only have eight friends so far,” sabi ni Kris. “Anybody there na gustong i-friend ako privately?” Dinetalye niya rin ang hinahanap niya.

Dapat daw single, kasali na ang nabalo, nag-divorce, legally separated, o annulled. “And if you’re a doctor (especially a rheumatoid, immunology, allergy specialist, neurologist, anesthesiologist, pain management specialist, or cardiologist) promise accept agad ang friend request.”

Taong 2012 nang ma-annul ang kasal niya kay James Yap na tatay ni Bimby.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment