LIZA LUMIPAD PA-CALIFORNIA PARA SA BLACKPINK

0

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

LIZA SOBERANO flew all the way to California para makita ang hinahangaan o mas tamang sabihing kinababaliwan niyang popular Korean girl group na Blackpink, who performed on the first day of the three-day event sa Coachella Valley Music and Arts Festival held for over two weekends in Indio, California.

Liza said, “I only went to coachella for @blackpinkofficial period” sa post niya sa Instagram. Ang nasabing festival is known for its guests dressing fashionably for three straight days as they dance and sing to the artists set to perform at the event.

Kasama ni Liza ang kanyang brother na si Justin, boyfriend na si Enrique Gil, the latter’s sister Andi, and their friend EJ Nacion. Aside from  Liza, another Filipina who also attended the music and arts festival was Kelsey Merritt na kagagaling lang ng Pinas where she and her boyfriend Conor Dwyer visited popular beaches.

But unlike other celebrities na talaga namang nag-i-effort to dress fashionably para sa nasabing event, Liza chose to wear loose pants, simple blouse layering with jewelries and a pair of stylish sneakers. Simple yet Liza looks stunningly beautiful even with very light make-up. Love talaga siya ng boyfriend na si Enrique dahil lagi itong nakasuporta sa mga trip niyang gawin at makakapagpasaya sa kanya.

ILONG NI LT NAMAGA DAHIL SA ‘PROBINSYANO’ PROSTHETICS

BALIK-primetime si Lorna Tolentino via “FPJ’s Ang Probinsyano.” Mahalaga ang papel na ginagampanan ni LT bilang Lily Ann Cortez sa toprating teleserye ni Coco Martin kaya ang dating one-month taping ay mukhang tatagal pa. Kaya marami ang nagulat na muntik na raw siyang maospital dahil sa prosthetics na inilagay sa kanyang mukha sa taping.

Kailangan niya kasing magpanggap ng iba’t ibang karakter para hindi siya makilalang si Lily. May eksenang kailangang takpan ang nunal niya, kaya pinakapalan daw ang labi niya at tinakpan ang nunal.

Walang ideya si Lorna kung ano ang chemicals na ginamit at natural daw na masisinghot niya ‘yung gamot o chemical na ginamit. Habang patuloy ang taping nila ay  may nararamdaman na siyang sakit at nagka-nose drip siya.

Kinabukasan, namaga na raw ang ilong niya kaya pinadoktor niya agad. Sabi ng doktor, mabuti at naagapan dahil kung pinatagal niya pa ay posibleng magka-infection iyun at umakyat daw sa brain niya.

Hindi na ipinayo ng doktor na magpa-confine siya although tuloy pa rin ang pag-inom niya ng mga niresetang gamot dahil hindi raw siya puwedeng um-absent sa taping at marami pa siyang mga eksenang kailangang kunan bago magbakasyon para sa Semana Santa.

Tiyak na makakasagupa niya sa mga susunod na episodes sina Rey Malonzo, Raymart Santiago at Cogie Domingo na gumaganap na mga high-ranking police officials.

 

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment