LIZQUEN HINDI HALATANG MAGKAAWAY SA MGA EKSENA NG BAGONG SERYE

0

(NI BOY ABUNDA)

NGAYON pa lamang ay mainit nang pinag-uusapan ang teaser ng teleseryeng Make It With You na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Kapansin-pansin ang bagong look at pagiging daring ng magkasintahan sa mga eksenang tiyak na kakikiligan ng mga tagahanga. “Hindi lang kiss, joke lang! It’s more mature and daring pero not to the point na it’s out of our brand. Yes, meron namang intimate pero not as much as we think. Kayo na lang po bahala intindihin kung ano nangyayari sa scenes,” nakangiting pahayag ni Liza.

May ilang pagkakataon na mayroong tampuhan o pinagtatalunan ang magkasintahan sa totoong buhay habang nagte-taping pero hindi naman daw ito nahahalata sa mga eksenang ginagawa. “I noticed about us when we fight before taking a scene, when we fight we don’t yell. Parang may konting away lang pero when we exit the tent, we’re not Enrique and Liza anymore. Kilig-kilig scene and then later, we were fighting pala. Diyan niya ako parati nakukuha eh,” kwento ng aktres.

Ayon naman kay Enrique ay mahalaga ang timing sa isang lalaki lalo na kapag gumagawa sila ni Liza ng kissing scenes. Aminado ang aktor na talagang may mga pagkakaton na kabado siya sa tuwing hahalikan ang kasintahan. “Kasi nga may timing ang lalake tapos ayun na. Kasi dapat maganda ang timing. Hindi naman basta-basta,” giit ni Enrique.

Sa Croatia pa kinunan ang ilan sa mahahalagang eksena para sa Make It With You na mapapanood na sa pagpasok ng 2020. With reports from J.C.C.     

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment