‘MAMA’ ANG TAWAG NI BELA PADILLA KAY JODI STA. MARIA

jodi44

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

“MAMA” ang tawag ni Bela Padilla kay Jodi Sta. Maria – na hindi naman inangalan ng huli – dahil sa nabuong magandang samahan sa drama series na “Sino Ang Maysala?: Mea Culpa” sa Kapamilya Network.

Sabi ni Bela, walang pagsidlan ang kasiyahan niya at ang bilib niya kay Jodi dahil alagang-alaga silang lahat sa set ng kanilang taping.

Tinitiyak ni Jodi na maayos ang lagay ng kanyang co-stars sa set at pala­ging busog ang mga ito sa dinadalang pagkain. Laging nagpapakita ng energy si Jodi sa kanila bago kunan ang mga mabibigat na eksena.

May sayaw raw si Jodi na ipinapakita sa kanila, dahilan para matuklasan nilang may comic side din ang una. Kaya raw magaan at laging masaya sa set dahil sa mga ganitong katangian ni Jodi, na siyang dahilan kung bakit parang nanay nila ang aktres.

Samantala, huling dalawang linggo na lang iere ang naturang serye. Nangangako ng intense scenes ang programa.
###
Nilinaw ni Marco Gumabao na walang physical contact sa naganap na sensual acting workshop nila ni Anne Curtis bago kunan ang kanilang scenes sa lalabas nilang movie, ang Just A Stranger na dinirehe ni Jason Paul Laxamana for Viva Films.

May isang matinding love scene sina Anne at Marco na ipinasilip naman nila sa teaser ng movie.

Sa mismong shoot na raw in-execute ang halikan at love scenes nila ni Anne. Kabado si Marco bago kunan ang eksena pero dahil sa blocking at pag-alalay sa kanya ni Anne at ni Direk, nairaos niya ang kauna-unahang love scene sa unang lead role niya sa pelikula.
###
Natawa si Ara Mina sa tanong namin kung natutulog pa ba s’ya? Nakapagtataka kasi kung paano nagagawang bigyan ng oras ng aktres ang lahat ng mga kaganapan niya sa buhay.

Mayroon siyang food business, ang Hazelberry Café, may acting career, hands-on nanay ng only daughter niyang si Amanda at ngayon ay nai-launch na ang cosmetic line niyang Ara Colours sa ilalim ng Ever Bilena. Nitong nakalipas na Miyerkoles ginanap ang launching ng AC sa Luxent Hotel.

Mabilis namang sumagot si Ara sa tanong namin kung may time pa siya for a lovelife sa rami ng ginagawa niya?
“Bukas na bukas naman ang puso ko sa kung sino ang ibibigay sa akin ni Lord. Magagawan natin ng paraan ‘yan ‘pag nandiyan na.”
###
Matapos ang ilang taong pamamahinga sa showbiz, balik-pelikula si Aga Muhlach sa Viva Films’ Miracle In Cell No. 7 na entry sa MMFF 2019.

Nakaposte sa Instagram wall ni Aga ang ilang larawan na nagpapakita ng kaganapan sa shooting. Nagposte siya ng selfie shot nila ng gaganap na leading lady niya sa movie, ang child actress na si Xia Vigor.

Ang ikalawang post naman ay ang location sa first shooting day nito ng pelikula na kinunan sa Marikina River Park.

Ito lang muna ang detalyeng ibinigay ni Aga sa kanyang IG caption at nangakong ire-reveal niya ang iba pang artistang makakasama niya sa project.

 

178

Related posts

Leave a Comment