MARIAN HANDANG-HANDA NA SA PASKO AT SA PAGDATING NG BAGONG BABY

0

(BY ROMMEL GONZALES)

Kahit buntis at malaki ang tiyan niya ay hands-on pa rin si Marian Rivera sa mga preparasyon sa bahay nila para sa Pasko, tulad ng paghahanda ng Noche Buena.

“Lahat, lahat-lahat talaga, oo naman! Sabi ko nga e, nabuntis lang ako, lumaki  lang ang tiyan ko, of course may inaalagaan akong bata sa tiyan ko —  pero hindi ibig sabihin niyan eh yung mga ginagawa ko para sa pamilya ko eh hindi  ko gagawin.

“Kahit nga sa school ng anak ko nakita mo naman di ba?”

Nakapagkabit na raw sila ng Christmas tree.

“Meron na! Pagkatapos ng November 1, November 4 meron na.

“Love ng anak ko yung ganun, kaya sinasabi niya after ng Haloween, ‘Mama kailan ikakabit yung Christmas tree?

“Aware na siya.”

Paborito niyang tradisyon kapag Pasko ay kapag magkakasama silang buong pamilya sa bahay, pamilya niya at pamilya ni Dingdong.

“Ke nasa Cavite sila, ke nandun sila sa Quezon City, lahat kami sama-sama.”

At dahil madadagdagan ang miyembro ng kanilang pamilya, espesyal lalo ang nalalapit na Kapaskuhan para sa kanila nina Dingdong at Zia.

“Ngayon na lumalalaki na ang pamilya namin, sabi ko, sobrang biyaya talaga yung binibigay sa akin kasi ito talaga yung pangarap ko, ang maging ina ng maraming anak,” sabi aktres habang tumatawa.

“Sabi ko nga ideal kasi ang three pero sabi ko kung pagpapalain pa ako, siguro hanggang four sana.”

Pagpapatawa pa ni Marian, sa Pasko ay bundat na bundat siya dahil tiyak na mas lalaki pa ang tiyan ni-ya.

“Malaking- malaki ang tiyan ko pero siyempre mas masaya  kung lumabas  na siya next year.”

Ngiti lamang ang isinagot ni Marian sa tanong naming kung ano’ng buwan siya manganganak.

Bukod sa paghahanda para sa nalalapit na Kapaskuhan ay abala rin si Marian sa kanyang showbiz ca-reer; regular host siya ng Sunday PinaSaya at celebrity endorser ng, among others, Kultura Pearls at Mega Prime food products.

Related posts

Leave a Comment