MARIS: FEELING KO ISA NA RIN AKONG BEAUTY QUEEN!

(NI BOY ABUNDA)

SA pangalawang pagkakataon ay makakatrabaho ni Maris Racal si Joel Lamangan para sa digital series na Beauty Queens.

Masayang-masaya ang aktres nang malaman na personal siyang pinili ng beteranong direktor para sa naturang proyekto. “No’ng nalaman ko na ni-request niya talaga ako na maging part ako dito, parang coming from him, okay na ‘yon sa akin. Very happy ako and very thankful for the trust. I’ll make sure na gagalingan ko dito sa iWant series para kunin niya ulit ako,” nakangiting pahayag ni Maris.

Unang nakatrabaho ng aktres si direk Joel sa pelikulang Isa Pang Bahaghari na pinagbibidahan ni Nora Aunor. Hindi raw kailan man nagkaroon ng problema si Maris kahit sobrang istrikto ni direl Joel sa trabaho. “Wala at all, kasi smooth talaga lahat. Kasi nag-prepare talaga ako. Nagtanong ako kung paano ba siya ka-work. So I really made sure na I did my best and nandito ako ngayon kaya I’m very thankful,” kwento ng dalaga.

Proud din si Maris dahil makakatrabaho ngayon ang ilang beauty queens na nagbigay ng karangalan sa bansa katulad nina Gloria Diaz, Maxine Medina at Winwyn Marquez. “Sa photo shoot katabi ko si Ms. Gloria Diaz, kasi di ba she’s an icon, isa sa mga naging unang Miss Universe. Tapos napapalibutan ako ng mga title holders. So ang saya, alam mo ‘yung kapag katabi mo sila feeling ko isa na rin akong beauty queen. Of course with my looks right now and siyempre kinikilabutan ako. I’m very excited na mapanood ito ng mga tao lalo na ‘yung mga fans ng beauty pageants,” pagtatapos ng aktres. -Reports from JCC-

 

Related posts

Leave a Comment