MAY NEWS EMBARGO SA SUICIDE NI MICO PALANCA?

SAKSI AKO copy(NI KC GUERRERO)

POST naming sa aming Facebook kahapon.

Andami kasing nagtatanong.

Kilala namin ang mom ni Mico Palanca at ang stepdad nila ni Bernard na head ng San Juan City hospital dati.

Kaya privy din kami sa mga nangyayari sa kanila noon.

Bago mag-ghosting, may Bea Alonzo muna at Mico Palanca.

Guwapo to the max si Mico sa hit series ng Kapamilya Network na Tabing Ilog na nagpasikat kina Fonzy, Edz atbp.

Co -stars sina John Lloyd Cruz, Baron Geisler, Kaye Abad, Jodi Sta. Maria, Patrick Garcia at marami pa. Mga idols nang kabataan namin.

SA ISANG MALL OR SA RESIDENTIAL AREA (CONDO)?

Tingnan natin ang mga reports.

May news embargo nga ba?

Lalong lalala ang mga fake news ‘pag walang official statement.

PERO SA KABILANG BANDA, KARAPATAN NG PAMILYA (Camay girls ang tawag sa aunts ni Mico:Tina Revilla, Maritess…At uncle niya si Johnny Revilla) NA RESPETUHIN ANG PRIVACY NILA.

SA PANAHON NG TRAHEDYA AT PAGLULUKSA.

Sabi sa isang report:

“Patay ang isang dating aktor matapos umanong tumalon sa isang residential area sa Santolan Town sa San Juan.

Ayon sa unang na ulat, sobrang depressed daw si Mico Palanca, na kapatid ni Bernard Palanca, sa kanyang lovelife kaya tumalon nitong Lunes, Disyembre 9.

Sa Facebook post, nagpahayag na rin ng pakikiramay sa pamilya ni Mico ang Film Academy of the Philippines sa untimely death ng aktor.

SLEEP TIGHT FOREVER OUR IDOL MICO!

****

GINAGAWA KO LANG ANG GUSTO NI DIREK BRILLANTE—ALLEN DIZON

Masinsinang  nakakuwentuhan naming  si Allen Dizon pagkatapos ng press preview kahapon ng hapon sa Podium ng pelikulang Mindano na pinagbibidahan nila ni Judy Ann Santos.

Nanalo ang asawa niya sa pelikula nasi Juday ng Cairo International Film Festival ng Best Actress a few days ago lang.

Kaya nga may pangitain na maging Best Picture ang obra maestra ni direk Brillante Mendoza.

At hindi ito magpapalampaso sa pelikula ng perennial box office stars na sina Vice Ganda, Coco Martin at Vic Sotto.

Tinanggap ngi Prime Superstar ang Award kahapon sa loob ng theater na pinagdausan ng pres preview.

Hindi nakadalo si Juday sa Cairo at si producer Dennis Evangelista ang tumanggap ng kanyang award.

Kaya iginawad sa kanya ang plaque kahapon nina Producer Wilson Tieng  at director Dante Mendoza.

Anyway, back kay Allen, hindi man siya nanalo sa Cairo, masaya siya para kay Judy Ann.

Mabibigat ang mga kalaban ni Al;len sa darating na Dec. 27, 2019 MMFF Awards night.

Sina Aga Muhlach at Joem Bascon lang naman ang mga makalalaban niya.

Bakit ganoon ka-realistic at ka-natural ang acting niya sa pelikula.

“Basta ako, ginagawa ko lang kung ano ang utos ni Direk.  Pinipilit kong ibigay ang sa tingin kong tama sa kagustuhan ng director,” sabi sa amin ni Allen na only Filipino to win as Best Actor sa napakamaing International Film Festivals at kahit na locally.

 

150

Related posts

Leave a Comment