MOMMY DIVINE KONTRABIDA SA KASALANG SARAH-MATTEO

TIYAK na worried ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo dahil sa nangyaring aksidente sa kanyang fiancé na si Matteo Guidicelli habang nagti-training for hit upcoming movie “Penduko” na nagkaroon ng slipped disc.  Dahil dito, pansamantala munang magpapahinga ang singer-actor at triathlon athlete for his therapy.

Dapat sana’y ngayong buwan nakatakdang simulan ang shooting ng “Penduko” na pamamahalaan ng writer-director na si Jason Paul Laxamana pero dahil sa nangyari kay Matteo, malamang na ito’y maurong unless uunahin ang mga eksena na hindi kasama ang actor.

Nakatakdang ikasal sina Sarah at Matteo sa susunod na buwan kaya ito muna ang unang haharapin ng actor bago niya simulan ang shooting ng “Penduko”.

May balita rin na sa ibang bansa umano gaganapin ang kasal ng dalawa pero wala pang kumpirmasyon hinggil dito.

Samantala, hanggang sa preparasyon ng kasal nina Sarah at Matteo ay lumalabas pa rin umano ang pagiging kontrabida ng ina ni Sarah na si Mommy Divine na balitang ayaw umano mag-cooperate sa wedding preparations ng dalawa.  Kung ito’y totoo, si Sarah ang tiyak na maaapektuhan.

At 31, kayang-kaya na ni Sarah na  magdesisyon para kanyang sarili pero naroon pa rin ang kanyang pagmamahal at respeto sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang ina na si Mommy Divine.

May lumabas pa ngang balita na hindi umano dadalo si Mommy Divine sa kasal nina Sarah at Matteo bagay na pinabulaanan ng aming source. Aster A. Amoyo

 

62

Related posts

Leave a Comment