NAGLI-LIVE IN NA NGA BA SINA VICE AT ION?

LOURDES C. FABIAN(NI NOURDES C. FABIAN)

FINALLY ang binansagang Phenomenal Star na si Maine Mendoza na nagwaging Box Office Queen para sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles had the chance to meet Kapamilya couple Kathryn Bernardo and Daniel Padilla sa 50th Guillermo Mendoza Box Office Entertainment Awards na ginanap noong Linggo, March 24. Nagbeso-beso ang dalawa.

Sina Kathryn at Daniel ang nanalo ng Phenomenal Stars of Philippine Cinema award and the Golden Jury Award for Highest Grossing Film of All-Time para sa The Hows of Us.

Sa video na ipinost sa social media, makikitang si Maine ay binati nina Kathryn at Daniel pagkatapos niyang tanggapin ang award na napanalunan na ikinagulat ng mga nakakita sa tagpo.

Kailan lang ay inanunsiyo that Kathryn is set to work with Alden Richards for an upcoming film under Star Cinema.

Samantala, mukhang hindi na talaga mapaghiwalay sina Maine at Arjo Atayde dahil kahit sa grand alumni homecoming ng De La Salle-College of Saint Benilde, kung saan tinapos ni Maine ang kanyang bachelor’s degree in Hotel, Restaurant, and Institution Management major in Culinary Arts ay isinama niya ang binata.

Ginanap ang event sa The Island in Bonifacio Global City noong Sabado ng gabi.  Ito ang maituturing na first public appearance together nina Maine at Arjo bilang magkarelasyon na hindi nila maitatanggi dahil mahigit sa isanlibo ang mga panauhing dumalo na nakakita sa kanila sa nasabing alumni homecoming.

# # #

MARAMI ang kinilig sa mensahe ng comedian-host na si Vice Ganda kay Ion Perez nang mag-guest siya  sa “Magandang Buhay” sa ABS-CBN.

“Nandito lang kami para palakpakan ka at suportahan ka sa mga gagawin mo. God bless you. At ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabait mo kasi mahal na mahal ka ng ‘Showtime.’ Ako rin, mahal namahal kita. Congratulations and God bless,” mensahe ni Vice.

Gaano kaya katotoo ang kumakalat na balitang binigyan ni Vice ang sinasabing rumored boyfriend na si Ion ng car and a business franchise?

Nagsimulang umugong at pag-usapan ang sinasabing relasyon nila nang kumalat ang mga photos nila during a Gandang Gabi Vice taping sa social media.

Usap-usapang Vice and Ion already admitted the real score between them in front of the “GGV” audience and guests Charo Santos and Bea Alonzo na mapapanood sa Linggo, March 31.

May balita ring umiikot that Vice and Ion are already living together. Iyon na nga lang, neither of the two confirmed nor denied the allegations. Marami raw sa mga kaibigang beki ni Vice ang makakapagpatunay kung gaano ka-generous ang komedyante pagdating kay Kuya Escort.

94

Related posts

Leave a Comment