SAM: ‘NILAGNAT AKO SO I ISOLATE MYSELF FOR FEW DAYS!’

PATAAS nang pataas ang bilang ng mga kaso ng apektado ng novel coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

Dobleng pag-iingat na ang ginagawa ng mga mamamayan ngayon upang makaiwas sa naturang disease. Maging ang mga artista ay sobrang pag-iingat na rin ang ginagawa upang hindi mahawa ng COVID-19.

Para kay Iza Calzado, mabuti nang ingatan ang sarili kaysa magsisi sa bandang huli.

“Honestly it’s just really about strengthening my immune system. Unfortunately, not everybody will have access to a vitamin drip, not everybody will even be able to afford the vitamin C that can take as many. For me that’s personal pangontra, just awareness,” pagbabahagi ni Iza.

Maraming mga kababayan na rin ang nagpa-panic buying sa grocery ng mga pagkain, alcohol at iba pang panlinis para sa sarili at sa bahay.

Ayon kay Iza, mas mabuti pa ring ingatan muna ang ating mga sarili at huwag na mag-panic buying katulad ng iba.

“Of course, if a person is sick, let’s try not to be near them, or make beso, or touch our face after being near them. Let’s just be mindful, and let’s not spread panic. I think everybody just need to sleep better, and be more mindful, ‘wag kayong magwalwal please,” giit ng aktres.

Samantala, nakaramdaman naman ng takot si Sam Milby nang magkaroon ng lagnat kamakailan. Ayon sa aktor, kinailangan pa niyang magpahinga ng ilang araw kaya hindi nakapagtrabaho.

“Honestly, two weeks ago medyo na-scare ako kasi nilagnat ako and all the symptoms. Tapos the next day dapat may taping pero hindi ako nag-taping. So, I isolate myself for few days. But ‘yung lagnat nag-last lang naman ng six or seven hours. So hindi naman gano’n katagal. Pero, I had sore throat, sinuses, ubo. It’s a bit scary,” kwento ni Sam.

 

64

Related posts

Leave a Comment