SANYA LOPEZ NEW LEADING LADY OF SEN. BONG

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Inikot ni Sen. Bong Revilla ang Cavite at Batangas kahapon para mamigay ng relief goods at tingnan na rin kung ano ang puwede pang tulong na kaya niyang ibigay sa mga nasalanta ng pagputok ng bulkang Taal.

SInamahan siya ng mga anak niyang sina Bryan at Ram Revilla at ilang pamangkin para tumulong sa kanya.

Pero bago ‘yan, nakipag-meeting na siya sa GMA 7 para ma-finalize ang gagawin niyang Agimat ng Agila na punung-puno pala ito ng aksyon.

Ang latest na nabalitaan namin, si Sanya Lopez ang isa sa pinagpiliang makatambal niya.

Kaya pala nakikita naming ipinu-post ni Sanya sa kanyang Instagram account na nagi-ensayo ito ng mga action scenes at pagputok ng baril.

COLEEN AT EDGAR ALLAN  NAKALULUNGKOT ANG SINAPIT NG KANILANG MIA

COLEEN-EDGAR ALLANSEE: Nakalulungkot ang sinapit sa takilya ng pelikulang Mia na pinagbibidahan nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman.

Ipinalabas ito nung nakaraang Miyerkules na nung na-check namin nung tanghali, wala pa raw 50 thousand ang kinita nito sa mga sinehan.

Hindi lang magandang senyales na ang unang Pinoy Film na ipinalabas sa taong 2020 ay sumemplang ito sa takilya.

Kunsabagay, inaasahan na itong di sisipa sa takilya dahil di naman gaanong na-promote at sumabay pa sa pagputok ng bulkang Taal.

Dito muna nakatutok ang mga tao sa ngayon, at wala sa concern nila ang mag-ikot sa mall at manood ng sine.

‘Anak ni Waray, Anak ni Biday’ na bida sina…

BARBIE AT KATE PANG ILANG SHOW NG GM-7 NA ITINAPAT KAY COCO

BARBIE-KATESWAK: Dalawang linggo na lang matatapos na  ang Beautiful Justice at ang buong akala namin ang Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ang ipapalit para sa Ang Probinsyano.

Ang dinig namin, ang Anak ni Waray, Anak ni Biday ang ipapalit, kaya puspusan na ang trailer nito.

May pagka-comedy naman ito na itatapat sa maaksyong teleserye ni Coco Martin.

Malay nga naman natin, baka masilat pa ito nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

MARK KINANTIYAWAN NINA  CHRISTIANAT AICELLE

MARK BAUTISTA-3SEE: Kinakantiyawan si Mark Bautista ng mga kaibigan niyang sina Christian Bautista at Aicelle Santos dahil wala pa rin siyang partner.

Sa mediacon ng concert nilang 1 for 3, masayang ikinuwento ni Chistian ang honeymoon nila ng asawa niyang si Kat Ramnani sa Africa.

Si Aicelle naman ay naka-schedule na ang honeymoon nila ni Mark Zambrano sa Japan.

Masaya naman daw si Mark kahit single pa rin siya hanggang ngayon.

“Sabi nga nila sa akin, masarap daw na may partner ka pagkagising mo.

“Masarap din naman na wala kang partner pagkagising mo,” napapangiti niyang pahayag.

Mas naka-focus na lang ngayon si Mark sa paghahanda sa concert nila nina Christian at Aicelle na silang tatlo rin ang nag-produce at ididirek ni  Paolo Valenciano.

Gaganapin ang kanilang 1 for 3 concert sa The Theatre at Solaire sa February 1.

Related posts

Leave a Comment