SARAH LAHBATI OPISYAL NANG MRS. GUTIERREZ

NAURONG man to a later date ang engrandeng kasalan sa pagitan ng live-in engaged couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati noong March 14, 2020 na gaganapin sana sa Bonifacio Hall ng Shangri-La at the Fort sa BGC in Taguig City, itinuloy ng couple ang kanilang kasal noong araw ding ‘yon sa pamamagitan ng isang intimate civil wedding ceremony at saka na lamang idaraos ang kanilang grand wedding kapag nag-die down na ang banta ng COVID 19.

Officially ay Mr. & Mrs. Richard Gutierrez na ang couple kaya puwede nang tawaging mommy at daddy ni Sarah ang parents ni Richard na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez na tita at tito lamang ang kanyang tawag bago sila ikasal considering na matagal na silang nagsasama at meron na silang dalawang anak, sina Zion at Kai.

Ang love affair sina Richard at Sarah ay nagsimula sa set ng unang teleserye na kanilang pinagtambalan sa bakuran ng GMA, ang “Makapiling Kang Muli” in 2012.

Officially ay naging magkasintahan sina Richard at Sarah noong August 16, 2012 at noong sumunod na taon ay ipinagbuntis ni Sarah ang kanilang panganay na anak na si Zion na isinilang nito sa kanyang hometown in Switzerland.  It was in June 2014 nang i-present sa publiko nina Richard at Sarah ang kanilang firstborn na si Zion.

As early as 2015 ay gusto nang pakasalan ni Richard si Sarah pero ito’y naurong nang naurong hanggang mag-decide ang dalawa na sa March 14, 2020 na nila gaganapin ang kanilang wedding, isang linggo bago ang ika-2nd birthday ng kanilang pangalawa at bunsong anak na si Kai na isinilang nung March 21, 2018.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nag-desisyon ang couple na iurong ang kanilang grand wedding dahil sa coronavirus scare.

Although may napili nang date ang bagong mag-asawa, ayaw pa nila itong i-share sa publiko hanggang hindi pa humuhupa ang banta ng  CoVid 19.

 

WALANG PINIPILI ANG COVID-19, MAYAMAN MAN O MAHIRAP

Hindi na puwedeng ipagsawalang-bahala ng mga Filipino ang pagkalat ng COVID 19 virus  na kumitil na ng maraming buhay world-wide (more than 5,000) with 135,400 cases and counting.

Sa Pilipinas as of this writing ay walo na ang confirmed dead  with over 100 cases. Ito ang nagtulak sa pamahalaan na magpatupad ng community quarantine sa Metro Manila na ipinatupad noong midnight ng linggo, March 15 para labanan ang mabilis na pagkalat ng coronavirus.

Halos lahat na ng mga major events ay postponed at kanselado na at karama na rito ang mga local and international concerts.

Nagpatupad na rin ang dalawang major TV networks – ang ABS-CBN at GMA, nang paghinto ng kanilang live shows except for news at iba pang public service programs.  Bukas ang operation ng kanilang radio programs pero ang taping ng kanilang mga TV series ay hinto muna pati ang shooting ng mga pelikula ng iba’t ibang movie outfits including Star Cinema, Black Sheep Productions, Cinema One Originals, Cinebro, Viva Films at iba pang film companies.

Tulad ng isang giyera, hindi puwedeng mawalan ng collateral damages and casualties ang pagkakaroon ng community quarantine or lockdown sa ibang lugar o bansa.

Apektado ang ekonomiya ng bawat bansa, negosyo, turismo at iba pa.  Sa Pilipinas, hindi lamang ekonomiya, negosyo at turismo ang direktang tinamaan kundi lalo na na ang mga taong umaasa lamang sa kanilang arawang sahod o daily wage earners.  Kapag wala silang trabaho, wala silang ipapakain sa kanilang mga pamilya.  Naiwasan mo nga ang pagkalat ng virus pero puwede ka namang mamatay sa gutom.

Walang nakakaalam kung kelan mahihinto ang coronavirus.  Ang isang buwan bang community quarantine ay sapat na para maiwasan ang sakit na ito?

Ang advise ay magsuot ng mask, gumamit ng alcohol at maghugas nang maigi ng kamay gamit ang sabon.  Ang problema, walang mabiling mask at alcohol at maraming lugar sa Metro Manila ang walang tubig.  Paano na lang?

For now, we can only hope and pray na sana’y mahinto na ang pandemic virus na ito na kumitil na ng maraming buhay.

Samantala, walang exempted sa COVID 19, mayaman ka man o mahirap dahil marami nang mga kilalang personalidad sa ibang bansa ang positibo sa virus na ito tulad ng mag-asawang Tom Hanks and Rita Wilson, ang First Lady ng Canadian Prime Minister na si Justin Tradeau na si Sophie Gregoire Tradeau, ang British Health Minister na si Nadine Dorries, ang mga kilalang althlete na sina Daniele Rujani, NBA star na si Rudy Gobert, ang kasamahan ni Gobert na si Donovan Mitchell,  Arsenal manager na si Mikel Artela, ang 19-year-old premier league winger na si Callum Hudson-Odoi at iba pa.  Hindi rin nakaligtas sa virus ang Australian Minister na si Peter Dutton.

Ngayong walang trabaho ang maraming artista, production people at iba pang involved sa TV and movie production, maging sa live concerts, may pagkakataon na silang bumawi sa kani-kanilang mga pamilya.

 

SHOWBIZ NA-MISS NI ARNELL IGNACIO

Last Thursday (March 12) ng hapon ay lumagda ng five-year management contract with Viva Artists Agency (VAA) ang singer-actor-comedian na si Arnell Ignacio

Although mahigit isang taon na rin magmula nang siya’y magbitiw sa pamahalaan bilang Deputy Executive Director V ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ngayon lang talaga gustong pagtutunang muli ng singer-comedian-host ang kanyang career which took the backseat noong siya’y nasa public service.

Bago ang paglagda ni Arnel ng management contract with Viva ay nagsimula siya sa kanyang bagong radio program sa DZMM, ang “Labor of Love” with Rica Lazo as his radio partner.

Hindi rin ikinakaila ni Arnell na talagang na-miss nya ang kanyang showbiz career.

 

114

Related posts

Leave a Comment