SHARON, SEN. KIKO PINAYUHAN SI FRANKIE SA BIKINI PHOTOS

frankie12

NAG-POST kamakailan si Frankie Pangilinan, 18, anak ni Megastar Sharon Cuneta at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, sa social media ng kanyang mga photos na naka-bikini.

Kuha ang mga ito sa Boracay Island, kung saan nag-celebrate ang dalaga matapos nitong mag-graduate mula sa high school recently. Ang isa sa mga unang nag-comment ay ang ina niyang si Sharon. “Don’t show too much my Baba! Hahaha! But lookin’ good my baby! Miss you. I love you so much!”

Si Sen. Kiko naman ay nag-guest sa “Magandang Buhay” noong Biyernes kasama si Frankie at ang isa pa nilang anak ni Sharon na si Miel. Sa show, pinayuhan ng senador ang anak na, “Just be careful of what you post. Kasi sabi nga nila, once it’s up there, it will always be there.”

Si Frankie ang panganay sa tatlong anak nina Sharon at Sen. Kiko, na sinundan nina Miel at Miguel. Si Sharon ay may older daughter, si KC Concepcion, anak niya sa dating asawang si Gabby Concepcion

146

Related posts

Leave a Comment