SOPHIE UMAARINGKING NA SA MGA SAMPAL NI MAX

max32

rey pumaloy(NI REY PUMALOY)

UMAARINGKING na sa sakit si Sophie Albert sa maraming beses na sampal sa kanya ni Max Collins para sa serye nila sa GMA-7, ang “Bihag.”

Totohanan ang sampalan ng dalawa na ang pala­ging nasasapol ay si Sophie na gumaganap na “mang-aagaw.”

Kwento ni Max, kahit naaawa siya kay Sophie ay hindi pwedeng dayain ang sampalan. Sinisiguro naman ni Max na wala siyang suot na kahit na anong singsing para hindi masugatan si Sophie.

Dahil feeling ni Sophie ngayon lang siya nagsisimula sa kanyang acting career at sa Kapuso, handa siya sa mga challenging roles at physical scenes.

###

May taas na 5’11” ang Fil-Am na sasabak sa Mut­ya ng Pilipinas ngayong August.

Si Joi Rufina Longalong Hunter ay 18 years old lang at isang full scholar sa kursong nursing sa Purdue University sa Indiana, USA.

Ang kanyang ina ay isang Pinay mula sa Nueva Ecija at ang kanyang ama naman ay isang African-American. Nakabase sila sa Illinois, USA.

Dahil beauty and brains, si Joi ang kinoronahang Mutya Ng Pilipinas-Illinois 2019 noong nakaraang linggo. Malaki ang chance ni Joi na mapabilang sa top candidates dahil bukod sa personal assets niya, ang kanyang advocacy ay tutulan ang karahasan, protektahan ang mga biktima ng abuse at ang discrimination sa LGBTQ+.

Namana ni Joi sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ina ang pagkakaroon ng malasakit sa less fortunate. Marami nang naipatayong schools at livelihood programs ang ina niya sa Nueva Ecija.

99

Related posts

Leave a Comment