SYLVIA NA-MEET NA FINALLY SI MAINE

maine12

NAIKWENTO ng aktres na si Sylvia Sanchez ang tungkol sa unang pagkikita nila ni Maine Mendoza, ang nababalitang girlfriend ng anak niyang si Arjo Atayde.

Sa panayam ng showbiz writer-editor na si Ricky Lo, sinabi ni Ibyang (showbiz nickname ni Sylvia) na nangyari ito noong May 23. Ano ang first impression ni Ibyang? “She was respectful, pleasant na bata.

Her first words were, ‘Hi po, Tita!’ She seemed shy when Arjo introduced her to me. Ang lamig ng kamay niya!” Nag-light dinner daw sila at tumagal doon si Maine mula 6 to 10pm. “The whole time, ang gaan ng feeling ko sa kanya. We were at the (dining) table for more than four hours. Hindi ko naramdaman na, ‘Hey, I am Maine Mendoza; sikat ako!’ Nothing like that.

She introduced herself as Nicomaine Mendoza, her real name, so it meant that she was there not as Maine Mendoza the star but Nicomaine Mendoza the private person. She was nice even to our kasambahay when Arjo introduced her to them.”

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment