TONY ON JULIA: ‘WHEN SHE GETS MARRIED, THE MAN WILL BE A LUCKY MAN!’

0

(NI BOY ABUNDA)

SA kauna-uanahang pagkakataon ay nagkatambal sina Julia Barretto at Tony Labrusca para sa iWant digital series na ‘I Am U.’ Wala pang kasintahan ang aktor kaya may ilang mga nagtatanong kung posible kayang may mamuong espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawa. “Let’s not get ahead of ourselves, Tito Boy. I’m just gonna say this, you know what, one day, when she gets married, the man that she marries will be a very lucky man,” makahulugang pahayag ni Tony.

Ayon sa aktor ay naging malapit sila ni Julia sa isa’t isa dahil na rin sa mga kontrobersiyang kanya-kanya nilang hinarap ngayong taon. Napag-uusapan daw ng dalawa ang tungkol dito habang ginagawa ang naturang digital series.

“I feel for Julia. I think people forget that I and she are just people just like everybody else. I mean, mayroon din kaming feelings. Minsan umiiyak din, minsan masaya. I mean, we’re just normal human beings. Noong nakita ko po siya. I kinda took time and I wanted to be in the most respectful way. Tinatanong ko siya Tito Boy on how she is, how is she coping up with everything. She always goes back to God. I can honestly say that I’m so inspired by her stories about her family,” kwento ng binata.

Samantala, masayang-masaya si Tony sa takbo ng kanyang career ngayon. Malaki ang pasasalamat ng aktor dahil kabi-kabila ang kanyang mga ginagawang proyekto ngayon. “What I really believe in something Tito Boy na kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga. And not a single thing, person, no energy on this earth can take away what’s meant to be yours. So no matter what controversy happens to you, if you know that in your heart, you had no ill will, no ill intentions, whatever God’s plans for you will still go to you,” paglalahad ng aktor. With reports from J.C.C. 

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment