VICE, ANNE, OTHER CELEBS, NAG-COMMUTE PARA ‘DI MA-LATE

DAHIL  problema pa rin ang matinding traffic sa Metro Manila, napilitang mag-commute ang ibang celebrities para hindi sila ma-late sa kanilang mga appointments.

Ang “It’s Showtime” host na si Vice ganda ay sumakay ng MRT-3 para makarating sa isang concert sa isang UAAP event. Ganun din ang ginawa ng co-host niyang si Anne Curtis: nag-MRT para makaiwas sa traffic at para makarating sa appointments niya on time.

Maging ang Kapamilya hunk na James Reid ay suki na rin ng MRT. Si Jhong Hilario naman ay may Instagram photo na may caption na “Struggle is real” habang nakasakay sa MRT.

84

Related posts

Leave a Comment