ZSA ZSA TULUYAN NANG IIWAN ANG ASAP

ZSA ZSA PADILLA
0

(By LOURDES C. FABIAN)

HANGGANG ngayon ay malaki pa ring palaisipan sa diehard fans ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla ang tunay niyang status sa nireformat na ASAP na tatawagin nang ASAP Natin ‘To.

Para maging malinaw sa lahat, ang mga host na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Billy Crawford, Luis Manzano, Sarah Geronimo, Darren Espanto, TNT Boys at Piolo Pascual ang mga regular na lang sa show.

Maging ang divas na sina Yeng Constantino, KZ Tandingan,  Angeline Quinto at Kyla ay hindi na rin weekly mapapanood sa ASAP NATIN ‘TO.

But, what is good with these divas ay nananatiling tikom ang kanilang mga bibig.

Hindi naglalabas ng sentimyento sa nangyari sa kanila, although sabi nga ay na-sad sila dahil hindi na sila weekly mapapanood ng kanilang supporters dito sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Isa si Zsa Zsa sa pinaka-matagal sa programa (23 years na), kaya naman marami ang naghahanap sa kanya dahil nawala siya nang mag-reformat ang ASAP.

Tapos, mas lalong pinag-usapan at naging isyu pa ang ipinost niyang statement sa kanyang IG account na: “I acted like it wasn’t a big deal, when really it was breaking my heart.”

Balita namin, hindi naman tsinugi si Zsa Zsa sa ASAP Natin ‘To. Siya mismo ang hindi sumipot sa launching.

Kasi, semi-regular pala ang totoong istatus niya kahit sa dating ASAP.

May sariling dahilan si Zsa Zsa na tanging siya lamang ang nakakaalam kung bakit pinili niyang ganyan ang kanyang katayuan sa ASAP.

Pero, hindi kami kumbinsidong na-insecure siya sa pagpasok ni Regine Velasquez sa show, taliwas sa mga kumalat na tsimis.

At mas lalo namang mahirap paniwalaang magri-resign na siya sa ASAP.

Mahal niya ang programa at hindi niya magagawang tuluyang iwanan ito.

Sa latest interbyu kay Zsa Zsa, nabanggit niyang magpapatayo sila ng resort na papangalanang Casa Esperanza, na tunay niyang pangalan.

Marahil gusto muna niyang tutukan ang ipapagawang resort.

Mukha namang happy siya ngayon lalo na kung ang latest post niya sa IG ang pagbabasehan wherein ang sabi niya ay ganito: “Hi, friends. I am spending the weekend at our happy place with Conrad.”

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment