ONE MERALCO FOUNDATION SUPORTADO ANG ‘BAYANIHAN’ SA PANAHON NG KRISIS

0

Mahigit isang taon na nating iniinda ang krisis na dulot ng COVID-19 ngunit nakakatuwang isipin na tayong mga Pilipino ay hindi sumusuko at nawawalan ng pag-asa.

Ang kasalukuyang health crisis, bagama’t nagdudulot ng pangamba, ay nagbukas din ng pagkakataon sa marami sa atin upang makatulong sa ating kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Ang pag-usbong ng mga community pantries, na nagsimula bilang isang simpleng adbokasiya ng isang tao, ay nagpapakita ng ating katatagan at pagdadamayan bilang mga Pilipino.

Mula sa isa sa Maginhawa Street sa Quezon City, daan daang community pantries na ang nagsulputan sa buong bansa. “Nakapagbibigay ng pag-asa ‘yung mga ganitong adbokasiya na kusang kumakalat sa iba’t ibang komunidad. Kahit sa maliit na pamayanan makikita mo ang pagsisikap ng ilan sa ating kababayan na makatulong sa kanilang kapwa sa abot ng kanilang makakaya,” pahayag ni Jeffrey Tarayao, presidente ng One Meralco Foundation.

Ang One Meralco Foundation (OMF), na social development arm at corporate foundation ng Meralco, ay  nagpaabot ng tulong sa halos 40 community pantries sa nasasakupan ng franchise ng Meralco.

Mahigit 2,000 kilo ng sariwang gulay at itlog mula sa mga lokal na magsasaka ay ipinamamahagi nito sa mga nasabing pantry sa tulong ng mga kawani ng Meralco.

Mula Marso 2020, kaliwa’t kanan na mga programa ang isinagawa ng OMF upang makatulong sa ating mga kapus-palad na kababayan at mga frontliner na lubos na apektado ng pandemya.

“Ang pagbibigay natin ng tulong sa community pantries ay bahagi ng ating layuning panatilihing buhay ang pag-asa lalong-lalo na ng ating mga kababayang lubos na tinamaan ng economic impacts ng COVID-19 crisis,” paliwanag ni Tarayao.

Bukod sa suporta sa mga community pantry, nag-donate din ang OMF ng mga personal protective equipment (PPE) sa mahigit-kumulang 6,090 medical at LGU frontliners, food packages sa 7,856 mga pamilya, grocery gift certificates at sanitation kits sa 1,700 mahihirap na residente sa Metro Manila, at halos limang  toneladang sariwang gulay sa mga ospital, quarantine facilities at local government units (LGU).

Upang makatulong sa tuloy tuloy na paghahatid ng serbisyong pampubliko sa ating mga kababayan, nag-donate din ng 12,160 antigen test kits ang nasabing foundation sa Department of Energy (DOE), National Transmission Corporation (TransCo), at pamahalaang lokal ng Pasig City.

Katuwang ang PLDT-Smart Foundation (PSF), milyun-milyong halaga ng hospital at molecular labora tory equipment ang ibinigay ng OMF sa East Avenue Medical Center (EAMC), isang COVID-19 referral hospital. Bagama’t marami sa kanila ay naka “work from home,” naging bahagi ng misyon ng OMF ang mga kawani ng Meralco, na nag-ambag upang mabigyan ng ayuda ang higit 6,000 na mga “no work, no pay” na service providers ng kumpanya.

Malaki rin ang papel na ginampanan ng mga Meralco employee upang maihatid ng foundation ang tulong nito sa mga komunidad.

TULOY ANG MISYON!
Hindi naging hadlang ang pandemya upang maisakatuparan ng One Meralco Foundation angmisyon nitong maghatid ng liwanag sa mga pamayanan at paaralang higit na nangangailangan nito.

Sa katunayan, halos 7,000 mga tahanan sa mahihirap na komunidad ang napailawan ng programa nitong household electrification program.

Samantala, 15 na mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang isla sa Samar at Masbate ang kinabitan ng  solar power equipment noong nakaraang taon sa pamamagitan school electrification program upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral sa mga liblib na lugar sa bansa na magkaroon ng mas malalim na karanasan sa agham at teknolohiya.

Para sa karagdagan kaalaman tungkol sa mga programa ng OMF, basahin ang 2020 annual report nito sa onemeralcofoundation.org/2020-give-hope.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment