BAKIT TUMATAGAL ANG EPEKTO NG SIPON?

SIPON

(Ni ANN ESTERNON)

Malaking pahirap talaga at abala kapag tayo ay sinisipon.

Tag-ulan ngayon kaya mas uso ito at mas madaling makahawa.

Iba-iba ang epekto nito sa tao dahil mayroon sa atin na kahit may sipon ay nakapagtatrabaho o nakakakilos habang ang iba ay ginugupo talaga nito.

Ang sipon ay isang virus at kadalasang tumatagal ito ng tatlo hanggang pitong araw pero may pagkakataon na aabot pa ito sa dalawang linggo. Kung nasa masamang panahon ka ay isa ito sa pwedeng maging dahilan.

Ano ba ang mga dahilan kung bakit tumatagal ang sipon sa atin?

Kung kulang sa pahinga maaa­ring lumubha ang epekto ng pagkakaroon ng sipon. Mahalaga ang tulog o pahinga para ang katawan ay ma-recharge o ma-repair mula sa pagkasira nito. Dapat mas alalay ang kilos sa unang tatlong araw na tamaan ka nito upang hindi na lumala pa.

Kulang sa fluid. Kapag kulang ang intake ng tubig o kahit fresh juice o soup man lang ay nahihirapan ang katawan na maka-recover para maiwasan sanang ma-dehydrate. Mas madaling matuyuan ang katawan dahil gumagawa ito ng mucus at nire-release naman din ito. Iwasan ang coffee o anumang uri ng may caffeine.

Stress ang isa pang itinuturong dahilan sa paghaba ng perwisyo ng sipon dahil sinisira nito ang ating immune system kaya ang mga sintomas ay lalong lumalala.

Kung mali ang gamot na iniinom ay tumatagal lang ang sipon. Baka naman kasi ang sipon mo ay ga­ling sa allergies, o sinus infection na nangangailangan ng sapat na gamutan.

Kapag tuloy pa rin ang ehersisyo ay may epekto ito sa paglala ng sipon. Okay lang mag-ehersisyo kung ang nararanasang mga sintomas ay above your neck gaya ng pagkakaroon ng runny nose, stuffy head, pagbahing o pagkakaroon ng sore throat. Pero kapag below the neck na katulad ng kahirapan sa paghinga, pananakit ng tiyan, may lagnat at iba pa ay ihinto na ang ehersisyo.

272

Related posts

Leave a Comment