IBA’T IBANG ESTILO SA MALIIT NA ESPASYO

ESPASYO

(Ni ANN ESTERNON)

Batid naman natin na maraming bahay sa Pilipinas ang hindi talaga malalaki. Ang space ay limitado lamang dahil sa mahal ang presyuhan ngayon.

Gayunman, kahit maliit lang ang ating space may paraan din naman na maging malaki ang itsura nito at maging maaliwalas pa rin. Dito natin iaplay ang “para-paraan lang iyan”. Pero hindi dapat diyan natatapos ang advice dahil kailangan din naman na may estilo rito para maging malamig at kaaya-aya.

DECORS

ESPASYO-4Iwasang maglagay ng sobra-sobrang abubot o kung anomang ornaments na hindi naman kailangan o hindi akma sa panahon. Hindi rin naman natin gugustuhin na marami tayong lilinisin o liligpitin kung marami tayong gamit na nakalabas o naka-display.

Ang sobra o overcrowded na room ay lalong magpapasikip sa space nito. Dapat kahit maliit ang room ay maayos na nakagagalaw ang tao rito.

Lahat ng rooms sa bahay ay nangangailangan lang hangga’t maaari ng minimal na dami ng mga gamit lalo na kung ang lugar ay masikip lamang.

Siguraduhing ang ilalabas na gamit ay ang mga magagamit lamang o madagdag sa estilo ng bahay.

Tandaan kapag maglalagay ng decors (wall, frames, o shelves), siguraduhing maipwesto ito vertically, it will help  elongate your room, thus making it appear larger.

COLORS

Iwasan ang mga makukulay na gamit dahil magbibigay lang din ito ng illusions na magulo, makipot o masikip ang space ng room.

Subukan ang neutral colors dito o mga light color lang ang gamitin gaya ng white, beige, ecru para magmukhang malaki ang space ninyo.

Kung gusto mong maging safe at effective, stick to all white walls. High effective trick kasi ito para maka-create ng space at maging bright ang room.

Kapag maayos ang timpla ng mga kulay sa loob ng kwarto ay hindi nag-aagawan ito sa focus sa iba pang itsura ng room.

SHAPES

ESPASYO-3Maging maingat din sa shapes ng mga gamit na ilalagay dahil minsan ay nakagugulo ito sa total design o ayos ng bahay.

Hindi rin natin kailangang piliin ang mga naglalakihang furniture o ibang mga gamit dahil takaw-space lamang ang mga ito.

STYLES

Dahil maliit lang ang space natin, pwedeng maglagay ng divider sa bawat lugar para magkaroon pa ng ibang function ang kabilang side – magiging two separate rooms na ito.

Usually ang divider na ito ay pwedeng clever storage para naman magamit pa nang husto ang space ninyo lalo na kung ito ay may taas na floor-to-ceiling. Dito magiging functional ang storage. Piliin lang ang mga ilalagay rito gaya ng una nating mga nabanggit.

Ang isang trick pa para magmukhang spaceous ang area ay ang paglalagay ng malaking salamin sa dingding.

PIECES AND FURNITURE

ESPASYO-2May nabibiling mga easy-to-assemble stylish at functional furniture, accessories and storage na sadyang para sa maliit na spaces.  Usually ang mga ito ay mga space-saving, budget-friendly finds.

Ang isang halimbawa nito ay ottoman, pwedeng couch, tray at lagayan ng inyong mga “anik-anik”.

Sa halip na malaking couch ang bilihin, opt for a cute corner booth. Pwede rin dito ang hindi kalakihang L-shaped couch.

317

Related posts

Leave a Comment