MAGICAL CHRISTMAS SA SM CITY MANILA

MAGICAL CHRISTMAS-2

(Ni ANN ESTERNON)

Parte na ng kultura ng mga Filipino na salubungin ang Kapaskuhan nang maaga.

Kasama na sa kulturang ito na ang Pasko ay ipinagdiriwang din ng mga establisimyento at maging mismo ng mga mall katulad na lamang ng isinagawang Christmas Launch sa SM City Manila kamakailan.

Sa okasyong ito ay pormal na binuksan sa publiko ang Icy Wonderland ng SM City Manila kung saan ito ay pinangunahan nina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Manila City Administrator Felix Espiritu at ng SM executives.

Nagkaroon din dito ng pagtatanghal ang NU Chorale sa kanilang Christmas carols, pagdalo ng Kapamilya star na si Elisse Joson at ang 2019 World of Dance PH Finalist na Move to the Groove. Dumating din sa event ang TV host na si Janeena Chan kasama si Santa Claus at arctic mascots, maging ang Lizardo family at Supsup-Lee family.

Layon ng SM City Manila na ipadama sa mallgoers na sa kanilang mall ay paskung-Pasko dahil sa kanilang Christmas display.

Makukumpleto rin ang saya ng mga pamilya sa wide selection sa naturang mall ng wide selection ng holiday finds at maraming pang holiday activities ang mae-experience rito.

Para sa iba pang detalye ng SM magical holidays, sundan sila sa SM City Manila sa Facebook, @SMCityManilaOfficial sa Instagram, at @smcity_manila sa Twitter.

96

Related posts

Leave a Comment