MAKATING ARI? BAKA IMPEKSYON ‘YAN!

VAGINAL ITCHING

ANG pangangati ng maselang bahagi ng katawan ng mga babae o sa paligid nito ay maaaring sintomas ng impeksyon.

Ang ‘vaginal itching’ o mas kilala bilang ‘vaginitis’ ay makikita kung ang maselang parte ng iyong katawan ay namumula na kadalasan ay masakit o may ‘discharge’.

Karaniwang dahilan nito ay ang pagbabago ng vaginal bacteria pati na rin ang impeksyon.

SANHI NG VAGINAL ITCHING

Ang pangangati ng balat sa iyong ‘vagina’ o sa paligid nito ay maaaring sanhi ng mga sumusunod:

– Yeast infection

– Sexually transmitted diseases gaya ng chlamydia, gonorrhea o ‘di kaya’y trichomoniasis

– Sobrang pagdami ng normal bacteria sa vagina na tinatawag na ‘bacterial vaginosis’

– Menopause o mababang estrogen level

– Maaaring may naiwang ‘foreign objects’ na sa vagina gaya ng tampon, atbp.

– Epekto ng intrauterine device (IUD) para sa birth control

– Masikip na underwear o shorts

– Chemical na makikita sa detergents, fabric softeners, feminine sprays, ointments, creams, douches, at contraceptive foams, jellies, or creams

– Gamot gaya ng antibiotics at steroids

– Cancer ng cervix o vagina

– Tanda ng Vaginal Infection

Ang mga sumusunod ay maaaring sintomas o indikasyon ng Vaginal Infection:

– Pangangati

– Pamamaga

– Masakit na puson

– Mabahong amoy

– Green, yellow, or gray discharge

– Mala-foam na discharge

Kung nakararanas ng mga sintomas na nabanggit, mabutihing agad na magpakonsulta sa doktor dahil ‘ika nga nila, “prevention is better than cure”.

Ang gamot sa vaginal itching ay nakadepende sa sanhi ng iyong sintomas na nararamdaman at kadalasan ay nangangailangan ng preskripsyon ng doktor.

Gayunpaman, ang mga sumusunod ay home remedies lamang na maaari ring makatulong para matanggal ang pangangati ng iyong kaselanan:

– Panatilihing malinis at tuyo ang iyong ‘vagina’

– Magsuot ng maluluwag o sakto lamang na damit

– Piliin ang cotton na underwear sa umaga at kung matutulog sa gabi, mas mabuting ‘wag magsuot ng underwear upang makahinga ang iyong ‘vagina’

– ‘Wag gumamit ng sabon sa paghuhugas, tubig lamang… sapat na

– Maligo sa maligamgam na tubig

– ‘Wag gumamit ng hygiene spray, pabango o powder malapit sa iyong ‘vagina’

– Panatilihing kontrolado ang iyong blood glucose kung ikaw ay may diabetes.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment