MERALCO PATULOY ANG SERBISYO, SINISIGURO SA PUBLIKO ANG 24/7 NA SUPPLY NG KURYENTE NGAYONG PANAHON NG ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE

Nagpahayag ang Manila Electric Company (Meralco) ukol sa operasyon nito ngayong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Siniguro ng Meralo sa publiko ang pananatili ng kanilang 24/7na operasyon upang masiguro ang tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa loob ng 30 araw ng kuwarentina na nagsimula noong ika-15 ng Marso hanggang ika-14 ng Abril 2020.

Bago pa man ipinatupad ang ECQ ay naghanda na ang Meralco ng plano kung paanong magtutuloy ang operasyon nito sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng bansa. Kasama rin dito ang pagpapahalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga empleyado habang patuloy ang operasyon nito.

Muling binanggit ng Meralco na pansamantala nilang kinansela ang kanilang mga scheduled maintenance habang ipinapatupad ng pamahalaan ang ECQ maliban na lamang sa mga lugar na matutukoy na mabigat ang demand at nang may pahintulot ng Department of Energy (DOE). Siniguro ng Meralco sa publiko na maliban sa mga mahalagang aktibidades na ito na makakaapekto sa maliit na bilang ng mga konsyumer sa maikling oras, ay halos walang mga pagkaantala ng serbisyo ng kuryente na naitatala sa kasalukuyan sa kanilang mga lugar na nasasakupan.

Sinabi ni Meralco SVP & Head of Networks Engr. Ronnie L. Aperocho, “During these challenging times, Meralco remains always ready and will continue working with the energy sector so as to ensure that electric power services remain uninterrupted. Meralco is implementing its business continuity plan and emergency measures to distribute power around the clock, especially to crucial installations such as hospitals. At the same time, we are one with the power sector in our total compliance with the directives of the DOH in order to arrest the COVID 19 situation. Our customers can rest assured that safety is also of paramount concern to us and we will continue to cooperate with the government in ensuring that we will provide the best level of service expected from us.”

Ipinaliwanag din ni Engr. Aperocho na, “Meralco’s triple-redundancy of its Control Center ensures continuous real-time visibility 24/7 of the entire distribution network, even in the midst of the enhanced community quarantine. This flexibility affords us to spread deployment of personnel critical to our business operations, not only to assure their well-being, but more importantly, to ensure that power across our franchiseis uninterrupted during these critical times.”

Kabilang sa mga operational highlight ng Meralco ngayong lockdown ay ang pagkakabit ng kuryente sa Cavite City Hall at sa pasilidad ng Maynilad sa Cavite noong ika-21 ng Marso. Nagkabit din ng kuryente sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office noong ika-23 ng Marso. Ilan din sa mga nakabitan ng kuryente ay ang Urban Homes na siyang gagamiting pansamantalang libreng tirahan ng mga health worker na pumapasok sa St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global Center (BGC) noon ding ika-23 ng Marso.

Nabigyan naman ng serbisyo ng kuryente noong ika-25 ng Marso ang COVID-19 regional evacuation center ng Quezon City. Tinitiyak ng Meralco sa publiko na marami pang mga gusali na nakatakdang gamitin ng gobyerno at ng lokal na pamahalaan ang prayoridad kabitan ng kuryente ng Meralco.

Tiniyak ni Meralco President & CEO Atty. Ray C. Espinosa sa publiko na, “all hands are on deck to ensure Meralco runs like clockwork. Our company continues to keep up the good fight and sustain our mission to keep the lights on for each and every single customer in our franchise area. Going beyond the power and light we deliver, this current crisis that our country faces calls for us to be a beacon of reliability and hope. We are keeping the lights on for our customers as we also provision for the safety and comfort of our employees.”

Para sa kaligtasan at kalusugan ng mga customer ng Meralco ngayong panahon ng ECQ, hinihikayat nila ang mga ito na gamitin ang Meralco Online na serbisyo para sa mga transaksyon at iba pang mga bagong impormasyon. Maaaring i-download ng mga customer ng Meralco ang Meralco Online application sa anumang smartphone gamit ang link na ito: http://onelink.to/meralcomobile. Maaari ring malaman ang iba pang opsyon ng pagbabayad ng bill sa link na ito: bit.ly/MeralcoPaymentPartners.

Para naman sa iba pang impormasyon at mga anunsyo, maaaring bumisita ang mga customer ng Meralco sa mga sumusunod na link:

Meralco Website: www.meralco.com.ph

Meralco FB page: www.facebook.com/meralco

Meralco Twitter Account: @meralco

Call Center: 16211

 

 

Related posts

Leave a Comment