PAANO MAIIWASAN ANG BALAKUBAK?

BALAKUBAK-2

Paminsan-minsan nagkakaroon tayo ng balakubak. Pangkaraniwan ito sa teens and adults.

Ang balakubak ay isang skin o scalp condition na nakaaapekto sa ating anit. Ang taong mayroon nito ay nakararanas ng flakes at pangangati sa anit.

Hindi ito nakakahawa o hindi rin naman delikado ngunit nakahihiya kung hindi makokontrol at minsan ito ay mahirap magamot.

Ang pagkakaroon ng balakubak ay nakokontrol kung ito ay pagtutuunan ng pansin.

Kung mild lang naman ang dandruff kakayanin nito ang paggamit lamang ng daily shampoo na may gentle cleanser. Kapag matindi naman ang kaso ng dandruff, kadalasang dapat na itong gamitan ng medicated shampoos.

SINTOMAS

White, oily-looking flakes ng dead skin at ito ay nahuhulog sa balikat. Ang anit ay madalas na makati, at scaly scalp.

BALAKUBAK-1Sa mga bata o sanggol, minsan ay nagkakaroon din sila ng dandruff na tinatawag na cradle crap. Pangkaraniwan din ito sa mga bagong panganak na mga sanggol.

Ang balakubak sa mga sanggol ay scaly o makaliskis din. Maaaring sa mga magulang ay alarming ito pero wala namang dapat ikatakot. Hindi rin naman ito delikado katulad ng balakubak sa mga adult. Ang dandruff sa babies ay kusa namang nawawala.

SANHI

Maraming dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng balakubak. Ito rin ang mga bagay na dapat ding iwasan para hindi maapektuhan ang anit.

– Hindi madalas na naglilinis o nagsa-shampoo nang maayos. Kapag hindi malinis ang anit, ang oil at skin cell sa anit ay namumuo dahilan para magkaroon ng dandruff.

– Pagkakaroon ng dry skin. Ang flakes mula sa dry skin ay karaniwang maliliit at less oily ito kumpara sa ibang sanhi ng dandruff.

BALAKUBAK-4– Sensitivity sa hair care products na tinatawag na dermatitis. Minsan kasi may mga ingredients na naiirita ang balat mula rito, ganoon din sa mga hair dye. Ang ingredients ay maaaring magdulot ng pamumula, pangangati, at pagkakaroon ng scaly scalp.

– Pagkakaroon ng yeast like fungus na tinatawag na malassezia. Ang fungus na ito ay namamahay sa anit at kadalasan sa mga adult. Samantala sa iba, ito ay nakakairita ng anit at maaaring mas maging sanhi  ng pagtubo ng maraming skin cells.

– Pagkakaroon ng irritated, oily skin o seborrheic dermatitis. Ang kondisyon na ito na isa sa mga pinakamadalas na sanhi ng dandruff ay kakikitaan ng pamumula, paglalangis ng anit o balat na covered ng flaky white o yellow scales. Ang seborrheic dermatitis ay maaaring makaapekto sa scalp at iba pang areas na maraming oil glands, gaya ng kilay, sa gilid ng ilong, at likod ng tainga, breastbone (sternum), bandang singit at minsan maging ang kilikili.

SINO ANG MAAARING MAGKA-DANDRUFF?

Kahit sino sa atin ay maaaring magkabalakubak, pero may mga bagay talaga na mas prone tayo rito.

– Edad. Ang balakubak ay kadalasang nagsisimula sa young adulthood at nagpapatuloy hanggang sa middle age. Pero hindi ibig sabihin ay hindi na maaapektuhan nito ang older adults. May iba naman na lifelong ang problema sa dandruff.

– Lalaki. Marami sa mga lalaki ang may dandruff, ito ay dahil ayon sa pag-aaral ay may kaugnayan sa male hormones.

– Pagkakaroon ng oily hair ang scalp. Ayon sa pag-aaral, malassezia feeds on oils in your scalp. Ang sobra-sobrang pagiging oily ng scalp at buhok ay mas nagiging daan para maging prone tayo sa dandruff.

– May taglay na sakit. Sa rason na malabo, ang mga adult na may neurological diseases, gaya ng Parkinson’s disease, ay mas nagde-develop ng seborrheic dermatitis and dandruff. Kaya ito rin ang mga taong may HIV infection, o ang mga taong nakompromiso ang immune systems mula sa ibang kondisyon.

BALAKUBAK-3TULONG NG DOKTOR

Hindi naman porke may balakubak ay agad tayong tatakbo sa dermatologist. May mga dandruff shampoo na available sa merkado na puwedeng subukan.

Dapat nang ilapit ang issue ng dandruff kapag namumula na ang anit o may pamamaga na rito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment