PAANO MAWAWALA ANG SUROT SA BAHAY?

SUROT

Masakit, makati at namumula.

Ito ang mararanasan nating resulta sa balat matapos na makagat ng mga surot.

Ang mga surot ay isang uri ng insekto na bagama’t maliit ay masasabing peste sa ating bahay.

Ang itsura nito ay maliliit, bilohaba ang hugis, kulay brown at nabubuhay sila sa dugo ng hayop o ng tao.

SUROT-6Ang mga insektong ito ay nangangagat at karaniwan din na ang pagkagat ng mga ito ay hindi nararamdaman lalo na kung natutulog ang isang hayop o tao.

Delikado ang mga surot dahil mas aktibo sila sa gabi at umaatake sa oras ng pagtulog natin. Mapapansin ding iba ang pagkapula ng balat matapos na makagat ng surot dahil matagal silang kumuha ng dugo mula sa tao o hayop – ito ay umaabot ng tatlo hanggang 10 minuto.

Sa una ay hindi makati ang balat matapos na makagat ng nasabing insekto pero kalaunan ay unti-unti na itong nangangati at kung masobrahan ng kamot ay maaaring magsugat ang balat.

Malalaman na lang na ikaw ay nakagat kapag gising ka na at napansin na ang mga maliliit at mapupula na animo’y pantal sa balat pero iba ang pantal na dulot nito kumpara sa kagat ng mga lamok. Mas kawawa kung ang sanggol ang makakagat dahil maaaring maging prone pa ang kagat na ito dahil maaari itong magbukas at pasukan ng impeksyon ang balat.

PESTE SA BAHAY

SUROT-2Tinatawag na peste ang mga surot dahil hindi basta nawawala ang mga ito sa bahay. Hindi rin sila madaling makita at madali silang dumami. Ang isang babaeng surot ay maaaring mangitlog ng hanggang isang daang piraso kaya naman ganoon sila kabilis dumami at nakakatakot habang sila ay dumarami.

Ang mga surot ay palaging nasa tagong lugar lalo na ang kanilang mga anak o mga itlog. Palagi silang nakatago para na rin sa kanilang proteksyon. At habang sila ay nakatago ay naroon ding nakakalat sila sa kung saan-saan – pero nasa tagong lugar pa rin.

Bagama’t wala silang mga pakpak, madali silang kumilos o maglakad at magpalipat-lipat ng lugar para sa puwestong kumportable sa kanila.

SAAN NAMAMAHAY ANG SUROT?

Sa higaan, ito man ay foam o kahit sa papag lang.

Makikita rin ang mga surot sa ilalim ng carpet, sa gilid ng dingding lalo na kung ito ay yari sa kahoy.

Karaniwan din silang nakasiksik sa mga gilid-gilid ng mga unan.

SUROT-3Nakahahawa rin ito sa puntong kung ang inyong kapitbahay, kapitkwarto (sa room apartment) ay may mga surot. Maaari ring itong kumalat sa iba’t ibang lugar kung ang isang maleta, bag o damit na galing sa ibang bahay o ibang lugar na may surot din.

Nalalaman na may surot ang bahay kung halimbawa sa inyong kama, kumot, o unan ay makikitaan ng mantsang kulay brown – ito ang dumi ng mga surot. Minsan ang markang ito ay natuyong dugo – dugo ng tao o hayop na kinagat o dugo mismo ng surot na nasugat o namatay.

Kung matindi ang mantsa sa kama, kumot, o unan, ito ay may iba ring masamang amoy.

PARAAN PARA MAIWASAN ANG PAGKAKAROON NG SUROT SA BAHAY

– Regular na maglinis lagi ng bahay hanggang sa kasuluk-sulukan na bahagi.

– Maging maingat sa pagbili ng mga damit gaya ng mga ukay-ukay. Ganoon din sa mga segunda manong mga kumot, higaan, o unan.

– Maging maingat sa mga damit na iuuwi sa bahay lalo na kung galing ito sa hiraman o sa laundry shop o saan mang lugar.

SUROT-4– Kapag nasigurong namatay o nawala na ang mga surot sa bahay, labahan ang mga kumot at ibabad ito nang matagal sa tubig na may sabon bago banlawan. Mas maigi kung ang sabong gagamitin ay may disinfectant din para sa proteksyon ng pamilya lalo na ang mga bata.

Labahan lahat ng inyong kumot, pillowcases, mga kurtina hangga’t maaari. Maaari ring suriin ang mga kurtina na pwedeng pamahayan ng surot at isama ito sa labahin.

Sa paglalaba, siguraduhing nakahiwalay ang mga naapektuhan ng surot sa mga hindi naapektuhan.

– I-repair ang mga cabinet, dingding o pintong may sira na maaaring pinamamahayan na ng mga surot.

– Maaari ring gumamit ng chemical treatments ngunit maging maingat lamang kapag ilalagay na ito. Basahin nang maigi ang nasa label ng product na gagamitin.

2091

Related posts

Leave a Comment