RAZOR BURNS, PAANO MAIIWASAN?

RAZOR BURNS

Lahat ng balat natin ay sensitive pero may lebel din ito kung gaano ito kasensitibo.

Ito rin ang dahilan kung bakit ang ilan sa atin ay madaling tamaan ng pimples, rashes, allergies at kung anu-ano pa.

Bigyang focus natin ngayon kung bakit matapos na mag-ahit ay nagkakaroon ng bumps o pag-umbok, pag-angat ng balat na namumula, at minsan ay masakit.

Ang tawag sa bumps na ito ay razor burns o razor bumps.

bumps - faceAng bumps na ito ay nasa bahagi ng katawan o mukha kung saan nag-ahit. Maaari itong nasa dibdib, ulo, pisngi, baba, leeg, binti, kili-kili, sa singit o sa pribadong parte ng katawan.

Nagkakaroon ng bumps matapos na mag-ahit o sa muling pagtubo ng buhok sa balat.

Minsan ay sadyang hindi naiiwasan ang ganitong skin problem lalo na kung nasa lahi ninyo ito.

Nangyayari ang bumps dahil may friction mula sa razor at ingrown hairs.

Ang ingrown hairs ay nagiging sanhi kapag ang pagtubo ng buhok sa loob ng balat sa halip na nasa labas. Nagiging dahilan kung bakit may pimple-like bumps sa skin.

MGA PARAAN PARA MAIWASAN ANG RAZOR BUMPS

Posible kang magkaroon ng razor bumps kapag kulot ang iyong buhok o sadyang may sensitive kang balat.

Nawawala naman ang razor bumps nang kusa ngunit may ibang paraan para maiwasan ito at hindi na lumala pa.

  1. Give it time

bumps - legsAng razor burn and razor bumps sa iyong legs ay dapat mawala with time. Kapag may bumps na, iwasan na munang galawin ito at huwag nang ahitin pa. Maghintay muna ng sapat na araw, o kahit umabot ng dalawang linggo hanggang sa mawala ang bumps.

Kung ipipilit na ahitin ang area na may bumps, maaari lamang ma-irritate ang balat at sa masamang kaso ay mauwi pa ito sa impeksyon. Lalong masisira ang balat dahil posibleng magkaroon ng open wounds, o magkaroon ng nana.

  1. Moisturize the area

Matapos ang mag-shave at magbanlaw, gamitan ng towel at banayad itong ipahid saka maglagay ng moisturizer.

Ang moisturizer ang magha-hydrate, magpapalambot at puprotekta sa balat. Ito rin ang tutulong upang mapakalma ang nanga¬ngating balat dahil sa pag-aahit. Naroon din ang pangangati ng balat, dahil ang buhok ay muling tumutubo.

Sa moisturizer na kailangan, siguraduhing ito ay alcohol-free para maiwasan ang irritating skin.

Makatutulong din ang moisturizer na may aloe vera (sabila) o shea butter upang maging smooth at ma-hydrate ang skin sa legs o sa ibang parte ng bumps.

Sa ibang mga kaso, maaaring magkaroon ka ng allergic reaction sa moisturizer o dahil maaaring makabara sa inyong hair follicles, kung kaya’t naroon ang mas maraming ingrown hairs. Kapag ganito na ang nararanasan, ihinto na ang paggamit ng mga product na nagiging sanhi ng side effects.

  1. Apply a cool compress

Matapos mag-ahit, magbasa ng maliit na towel o bimpo gamit ang malamig na tubig at ipahid o ilagay ito sa inyong legs sa loob ng ilang minuto. Makatutulong ito para mabawasan ang pamumula at pananakit ng balat dahil sa razor rash.

  1. Release ingrown hairs

ingrown hairsAng razor bumps ay maaaring maging dahilan ng ingrown hairs. Ang mga buhok na ito ay tumutubo nang palabas pero pakulot na bumabalik sa skin at mas nagpe-penetrate pa. At ito rin ang dahilan ng pamamaga at pagkakaroon ng pimple-like bumps, irritation, at itching.

Ang pag-e-exfoliating ng balat bago mag-ahit ay makakatanggal ng dead skin at naiiwasan ang pagkakaroon ng ingrown hairs.

Huwag na huwag gagamit ng karayom o tsani para ma-dig out ang ingrown hair. Magdudulot lamang ito ng bacterial infections and scarring.

  1. Try a home remedy

May home remedies na makatutulong at hindi magiging magastos. Subukan ang gumawa ng aspirin paste mula sa two uncoated tablets of aspirin at isang kutsaritang tubig. I-dilute ang aspirin at i-apply sa razor bumps sa loob ng 15 minuto.

Ang iba pang razor burn remedies na inyong mahahanap sa loob ng inyong bahay ay ang mga sumusunod:

* coconut oil

* aloe vera

* witch hazel

* tea tree oil

Bago gamitin ito para sa inyong razor burn, subukan muna itong ipahid sa maliit na bahagi ng inyong balat, mga ¼ na dami ng kutsarita, saka ipahid sa balat para maiwasan ang allergic reaction. Sundan ito ng pagpapahid ng thin layer over the skin with razor burn. Hayaan lamang ito sa loob ng 15 hanggang 20 minuto, saka banlawan ito gamit ang malamig na tubig.

  1. Use a topical cream

bumps - dermatologistKapag masyadong maga ang razor bumps o matagal ito bago gumaling mas maiging gumamit ng isang topical steroid. Ang creams na ito ay nakababawas ng pamamaga. Makahahanap kayo ng hydrocortisone creams sa inyong pinagkakatiwalaang local drugs stores. Kapag wala kayong nakitang pagbabago sa inyong razor burn matapos ang dalawa o tatlong araw, agad nang humingi ng tulong sa doktor.

Ang dermatologist ang magpapayo o magbibigay ng prescription strength steroids at antibiotics para mawala ang impeksyon ng balat.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment