SHAMPOO BARS, MAS GREENER

SHAMPOO BARS-1

Skip na muna tayo sa paggamit ng bottled shampoo o mas maganda kung tuluyan na nating “deadmahin” ang produktong ito na nasa botelya.

Dahil green living ang topic natin, mas magandang choice ang mga shamboo bar kumpara sa mga nasa bote na mga uri nito.

Ang shampoo bars ay mas greener, mas tumatagal kaya mas mura at mas travel-friendly.

Ito ang uso ngayon pagdating sa haircare products. Mas healthy rin ito dahil kadalasang gawa ito sa mga natural ingredient para ma-promote ang kalusugan ng buhok, mas safe rin sa environment at madaling dalhin kahit saan.

Pero bakit ba mas dapat nating piliin ang shampoo bars? Ito ang ilan pero mahahalagang bagay na dapat ikonsidera lalo na nasa panahon tayo ng global warming.

KAILANGANG MAGBAWAS NG MGA PLASTIK

SHAMPOO BARS-2Sa ngayon, umaabot sa siyam na milyon toneladang mga plastic ang itinatapon sa dagat kada taon, which breaks down sa isang garbage truck na puno ng mga plastic na napupunta sa dagat kada minuto.

Ang pagbili at pagtangkilik sa shampoo bars ay malaking kabawasan din sa paggamit pa ng plastic bottles. Ito ay dahil ang shampoo bars ay nakabalot sa recycled papers o paper boxes. Convenient kasi itong dalhin kahit saan, kahit pa papunta ka lamang sa shcool o opisina.

BAWAS PAG-AALALA SA OTS LIMITS

Malaking hassle sa pagbiyahe mo at pagtungtong sa airport na sasalubong sa iyo at malaking porsyento na maharang ka ng kawani ng Office for Transportation Security ng bansa (o kahit pa ng ibang bansa) dahil lamang sa dala-dala mong plastic bottle na shampoo.

Hassle dahil naroong tatanungin ka pa ng mga ito kung ikaw ba ay sobra na sa minandato o iniutos lamang ng batas. May limitasyon kasi sila sa dami nito o totally, ito ay hindi nila pinahihintulutan.

Mas convenient dalhin ang shampoo dahil hindi ito kumakain ng space sa bag at hindi ka rin mag-aalala na baka matapon ito.

MAS MATAGAL GAMITIN

SHAMPOO BARS-3Karamihan sa mga shampoo ngayon ay 80 percent water at sa mga conditioners ay mas marami pa rito. Isipin n’yo iyan, nagbabayad kayo sa tubig para sa isang produkto na hindi naman tubig talaga ang kailangan n’yo?

Ang shampoo bars ay mega concentrated at generally ay mas tumatagal kaya mas matipid kumpara sa mga bottled version nito.

CRUELTY FREE AT ALL NATURAL

Maraming brands ng shampoo bars ang may layuning maprotektahan ang karagatan, wildlife at ecosystems na apektado dahil sa mass production ng chemical-laden products sa beauty industry.

Marami sa bottled shampoos ang puno ng preservatives at chemicals na nakatatanggal ng natural oils ng anit kaya ang buhok ay nagiging dry at nasisira.

Kadalasan ang bad effects na ito ay hindi nakukuha sa shampoo bars.

Sa mga bar na ito ay mayroong essential oils at ang natural ingredients ay cruelty free. Wala rin itong palm oil, isang ingredient na may koneksyon sa deforestation at habitat degradation.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment