SOFTDRINKS, MASAMA SA KALUSUGAN

SOFTDRINKS

Panay ka soda, kasi naman mayroon itong iba’t ibang lasa hindi ba?

Pero alam ba nating lahat na ang anumang klaseng softdrinks ay naglalaman ng acids gaya ng phosphoric acid at carbonic acid.

Ang mga acid na ito ay lumilikha ng isang highly acidic environment sa ating bibig, daan para ang ating ngipin ay maging prone sa decay o pagkasira nito.

Habang ang acids sa softdrinks ay nakasisira, ang kombinasyon nito na may asukal ay ang mas nakakasama.

Dapat din nating tandaan na may mga asukal na mas peligroso o mas masama sa ibang uri nito – kaya ang mga sugary drink ay hindi dapat basta tangkilikin dahil sa delikado ito sa ating kalusugan. At ang mga a­sukal na ito ay hindi lang naman sa softdrinks maaa­ring makuha. Ito rin ay pwedeng nasa kape, tsaa, chocolate drinks, o fruit juices.

Sa maayos na kalusugan dapat iwasan ang softdrinks lalo na sa mga bata.

E bakit nga ba hindi okay ang softdrinks sa atin? Anu-ano ba ang nakakasama sa kalusugan sa pag-inom nito?

-Hindi ito nakabubusog at hindi rin nakababawas ng timbang. Ang most common form ng added sugar — ay sucrose o table sugar — at ang supplies nito in large amounts ng simpleng asukal ay fructose.

Ang fructose ay hindi nagpapababa sa hunger hormone ghrelin o nag-i-stimulate ng pagkabusog gaya ng ginagawa ring glucose, ang asukal na nabubuo kapag tinutunaw mo ang starcy food.

Ibig sabihin, kapag kinokonsumo mo ang liquid sugar, ang nangyayari kadalasan ay nagdaragdag ka lang sa total calorie intake mo – kaya ang payo ng mga doktor dito, “sugary drinks don’t make you feel full”.

-Ang sobrang dami ng sugar ay nagiging fats sa atay. Ang mga table sugar (sucrose) at high-fructose corn syrup ay binubuo ng dalawang molecules — glucose at fructose — in roughly equal amounts, ayon sa mga doktor.

Ang glucose ay maaaring i-metabolize ng bawat cell sa ating katawan, samantalang ang fructose ay maaa­ring ma-metabolize lang ng isang organ — iyan ang ating atay.

-Nakalalaki ng tiyan. Ang sobrang asukal sa katawan ay nagdaragdag ng ating timbang. Naiipon ang fructose at nagiging dangerous fats ito sa ating tiyan. Anumang sobrang fats ay masama lalo na sa bandang tiyan dahil nasa area rin na iyan ang mga vital organs natin na kapag nasira ay delikado na sa ating kakusugan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment