3 ELITE, 1 KATROPA LILIPAT NG TEAM

0

TATLONG players ng Blackwater Elite at isa mula sa TNT ­Tropang Giga ang maglalaro sa ibang team sa pagsisimula ng 46th PBA Season sa Abril.

Ibinunyag ng isang player agent, malaki ang posibilidad na mapunta sina Mac Belo, Don Trollano, at Roi Sumang sa Tropang Giga kung walang magiging problema sa negosasyon.

Samantala, isang hindi pinangalanang player ang malamang na bitawan umano ng kanyang mother team bago magsimula ang first conference.

Tumangging magbigay ng dagdag na detalye ang source kung ang player na tinutukoy ay may live o expiring contract. (ANN ENCARNACION)

Related posts

Leave a Comment