Alamat ni Manny Pacquiao (Ika-6 na Bahagi) BALIK TANAW: Pacquiao-Marquez 1 at 2

0

ISANG istorya ng pagbabago ang dalawang unang laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Nagbago kapwa ang ­dalawa sa loob ng halos apat na taong pagitan mula nang sila ay ­unang nagsagupa bilang ­featherweight hanggang junior lightweight kung saan pareho silang ­nagdagdag ng apat na libra.

Mula sa isang kilalang halimaw sa ibabaw ng lona gamit ang isang kamay sa kanilang inisyal na pagtatapat kung saan ay pinabagsak niya si Marquez ng tatlong beses sa unang round pa lamang, si Pacquiao ay naging boxer-puncher gamit ang dalawang kamay.

Si Marquez na isang counter-puncher sa unang sagupaan na natapos sa split draw ay kinakitaan ng malaking pagbabago at naging agresibong master technician sa pagbibitiw ng kaliwa’t kanang ­kumbinasyon sa 126 at 130 librang dibisyon.

Kaya ang pagtatagpong muli ng dalawang future Hall of Famer noong ika-15 ng Marso 2008 ay naaayon sa kagustuhan at ikinasiyang lubos ng kanilang fans.

Ang Mehikano, na nakakainip panoorin noong 2004, ay agad nakipagsabayan sa Pilipinong kinakitaan ng pagiging tunay na idolo ng kanyang mga kababayan.

Naging mabilis at kapanapanabik ang laban na ginanap sa Mandalay Bay sa Las Vegas at tinawag na “Unfinished Business.”

Dinomina ni Manny ang ­unang round sa scorecard ng tatlong huwes, subalit nakabalik naman agad si Marquez nang sumunod na yugto sa pamamagian ng bago niyang kaliwa’t kanang kombinasyon.

Pinabagsak ni Manny si Marquez una ang likod sa third gamit ang kaliwa.

Wagi ang Pilipino sa nasabing round at pati na sa fourth.

Nakuhang magrali ni Marquez sa 5th, 7th at 8th round.

Nagmistulang tulala ang Mehikano sa 10th matapos makatanggap ng malalakas na kanan mula kay Pacman.

Muli ay nangibabaw si Marquez sa 11th at 12th pero hindi ito naging sapat upang mabago ang nakararaming desisyon ng tatlong huwes – 115-112 at 114-113 para kay Pacquiao at 115-112 para kay Marquez.

Bumalik sa kanyang hotel si Pacquiao dala ang 130 librang korona ni Marquez, panglima sa walong dibisyong nakatakdang maging pag-aari ng Pambansang Kamao.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment