ALAS SINIBAK NG PHOENIX

0

NAGDESISYON ang Phoenix Super LPG Fulemasters na putulin na ang serbisyo ng kanilang head coach na si Louie Alas.

Ang associate ni Alas na si Topex Robinson ang hahalili sa kanya “on interim basis,” ayon sa management.

“We believe in Topex’s capacity to lead this team and we look forward to the Fuelmasters resurgence as one of the league’s exciting contenders,” press statement ng Phoenix.

Walang binanggit na dahilan ang Fuelmasters kung bakit sinibak si Alas na kamakailan lang ay pinatawan ng 15-suspension ng PBA dahil sa maagang team practice sa Ortigas, na malinaw na paglabag sa health protocols ng IATF.

Related posts

Leave a Comment