APO NI ELORDE, SASABAK SA WORLD TITLE FIGHT

ITO na ang ‘moment of truth’ ni Juan Miguel Elorde  (aka Mig Elorde).

Inaasahang ibubuhos lahat ni Elorde ang lakas, kakayahan at taktika sa pagtatangkang mahablot ang World Boxing Organization (WBO) super-bantamweight crown sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada ngayong araw.

Si Elorde, 32, apo ni Hall of Famer at Filipino boxing great Gabriel ‘Flash’ Elorde, ay sasagupa kay reigning champion Emanuel Navarrete ng Mexico.

Ang 12-roound battle ay isa sa undercards ng Tyson Fury-Otto Wallin heavyweight showdown.

Sa official weigh-in, si Elorde ay tumimbang ng 121.2 lbs, habang si Navarrete nama’y 121.8 lbs.

Ito ang maituturing na pinakamalaking laban ni Elorde sa kanyang 11 taon bilang boksingero. Siya rin ang magsisilbing unang kadugo ni ‘Flash’ na sasabak sa world title fight, 59 taon makalipas na talunin ng kanyang lolo si Harold Gomes para maging world super featherweight champion sa labang ginanap sa Araneta Coliseum noong Marso 1960.

Kasama ni Mig sa Las Vegas ang mga magulang na sina Johnny at Liza Elorde at mga kapatid na sina Bai, na isa ring boksingero at Nico, na player naman ng NorthPort sa PBA.

Kung papalarin, si Mig ang magiging ikalimang world champion ng Pilipinas sa kasalukuyan, kasama sina Sen. Manny Pacquiao, Nonito Donaire, Pedro Taduran at (interim) Johnriel Casimero.

82

Related posts

Leave a Comment