ATENEO, UST MAY GAME 3

VOLLEY12

SINAMANTALA ng Ateneo ang pagkaka-tapilok ni Rookie of the Year awardee Eya Laure, para idismantel ang UST sa Game 2, 26-24, 14-25, 25-21, 25-15 kahapon ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa jampacked MOA Arena sa Pasay City.

Nagtulung-tulong sina Maddie Madayag, Bea De Leon at Kat Tolentino, ang star trio ng Ateneo, sa pag-atake sa UST at ihirit ang winner-take-all para sa korona.

Ang Game Three ay gaganapin sa Sabado sa MOA Arena rin.

Si Madayag ay nagsumite ng 17 points, mula sa 10 attack, 4 blocks at 3 aces.

Matapos ang mahigpitang opening set na pumabor sa Ateneo, bumawi ang UST sa set 2, 25-14.

At dumating ang disaster nang mamalipit sa sakit si Laure sanhi ng ankle sprain sa pagsisimula ng Set 3. Binuhat si Laure ng amang si Eddie, dating PBA player, palabas ng court at nakabalik lamang nang abante na ang Ateneo, 20-18.

Pero, hindi na nakahabol ang Tigresses.

Pagsapit ng 4th frame, umatake na agad ang Lady Eagles, 20-8 tungo sa panalo.

Samantala, sa ikalawang sunod na season, kampeon ang NU Bulldogs sa men’s division, matapos ang four-set win kontra FEU Tamaraws, 24-26, 25-23, 25-23, 25-19 sa Game 2.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment