AYO, MANANAGOT SA SORSOGON BUBBLE

0
Ni ANN ENCARNACION
HINDI pa rin ligtas si UST men’s basketball team coach Aldin Ayo sa anumang kaparusahan na maaaring ipataw sa kanya ng sports body na dumidinig sa paglabag sa quarantine protocols ng pinangunahan niyang Sorsogon bubble.
Ito ay kahit pa nagbitiw na siya bilang coach ng Growling Tigers Huwebes (September 3) ng gabi.

“Aldin Ayo has tendered his resignation to UST. It is expected he’ll receive either a suspension or a ban from the UAAP,” ayon sa post ng PBA Insider.

Ganito rin ang palagay ng iba’t ibang sports officials lalo’t hindi mapapasubalian na nagkaroong ng training camp ang Tigers sa mismong probinsya ni Ayo sa Capuy, Sorsogon.

Sa ngayon ay hinihintay na lang ng mga kinatawan ng Department of Health, Philippine Sports Commission, Games and Amusements Board, maging ng Commission on Higher Education ang desisyon ng UAAP Board of Managing Directors. Matapos ito ay saka sila magpapalabas ng hiwalay na desisyon.

Nagpulong ang UAAP Board noong Huwebes upang himayin ang report ng UST officials kaugnay sa isinagawang training camp ng UST Growling Tigers.

Sumingaw ang Sorsogon bubble makaraang mabanggit ito ng pinatalsik na team captain na si CJ Cansino.

Kasunod nito, ay isa-isa nang nagkwento sa naganap na bubble ang iba pang miyembo ng Growling Tigers.

Nasundan pa ito ng pagkalas sa team ng iba pang players ng UST.

Related posts

Leave a Comment