BLOWOUT LOSS

MULING tumikim ang Gilas Pilipinas ng blowout loss, sa pagkakataong ito’y sa kamay ng powerhouse Serbia, 126-67 kagabi sa FIBA World Cup sa Foshan, China.

Dahil sa kabiguan, hindi na makauusad sa next round ang Philippine team.

Laban sa Italy noong Sabado ng gabi kung saan natalo rin ang Gilas Pilipinas, 108-62, mas maganda ang ipinakitang laro ng mga Filipino, subalit, sadyang malakas ang Serbian team sa pangunguna ni NBA star Nikola Jokic.

Bukod kay Jokic, hindi rin napigilan ng Gilas sina Bogdan Bogdanovic, Nemanja Bjelica, at Miroslav Raduljica na umakay sa Serbia para selyuhan ang byahe nito sa susunod na round.

Huling asignatura ng Serbia ang Italy. Habang ang Pilipinas ay haharapin naman ang Angola sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa Group D.

213

Related posts

Leave a Comment