BLU BOYS NAMBOKYA

(NI VTROMANO)

BINOKYA ng Philippine Blu Boys ang Singapore, 8-0, upang walisin ang eliminations ng 30th SEA Games men’s softball competition sa The Village sa Clark, Pampanga.

Agad nagpakita ng lakas ang Pinoy batters laban sa Singaporeans nang magtala ng maagang 4-0 lead sa first inning at kumulekta pa ng apat na puntos sa fourth inning.

Pinuri ni playing coach Apolonio Rosales ang kanyang manlalaro, lalo na sina pitchers Rey Aliling at Regan Parco.

“Yung speed at control nila sa bola, 100 percent,” ani Rosales.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Pilipinas, kasunod ang panalo laban sa Thailand, 11-0 at Indonesia, 7-3.

Nabawian din ng Blu Boys ang Singapore, na tumalo sa kanila, 4-3 sa Men’s Softball World Championship ngayong taon.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment