CJ PEREZ GUSTONG SULUTIN NG BEERMEN

0

DESIDIDO ang San Miguel Beer na makuha si 2018 top rookie pick Christian Jaymer “CJ” Perez mula sa Terrafirma Dyip.

Nabatid mula sa isang beteranong player agent, gusto ng Beermen na magdagdag ng shooter at athletic young player lalo’t maraming may edad na at injured sa kanilang team.

Maging si SMB coach Leo Austria ay aminadong kailangan na ng rebuilding ng koponan matapos mabigong depensahan ang Philippine Cup crown sa nakaraang PBA bubble sa Clark, Pampanga.
“Ang tanong ay kung anong puwedeng ibigay at kung sino ang puwedeng makapalit?” sambit ng agent.

Pang-walong pick ang Beermen sa 2021 PBA Rookie Draft sa unang round at kasunod na pipili sila sa ika-38 puwesto na.

Nauna nang ibinalita sa social media ni Snow Badua ang tungkol sa pagnanais ng SMB na makuha ang serbisyo ni Perez:

“Sources from inside SAN MIGUEL CAMP told me that they are still waiting for the execution of trade to get CJ PEREZ.­Waiting na lang sa go signal ng mga bossing. Kumbaga sa skyway na ginagawa, tapos na pero di pa pinapadaanan.”

Related posts

Leave a Comment