DYNASTY ‘DI NATIBAG

beer12

(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO)

BINANGASAN ng San Miguel Beermen ang  Magnolia Hotshots, 72-71

sa Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals na pinakamahirap nilang championship mula nang magawa nila ang tinaguriang “Beeracle” noong 2016.

Nameligro ang apat na taong paghahari ng Beermen sa All-Filipino tournament nang lumamang ang Magnolia Hotshots Pambansang

Manok ng 17 puntos sa third quarter ng Game 7 noong Miyerkoles sa

Smart Araneta Coliseum.

Ngunit pinakita ng San Miguel ang kanilang katatagan para mabura ang

malaking kalamangan sa pangunguna ni PBA Press Corps-Honda Finals MVP June Mar Fajardo at Alex Cabagnot.

Nagtala ng record na 31 rebounds si Fajardo upang burahin ang 29 ni

Marcelo Simbulan para sa 7-Up noong 1975 habang ang jumper ni Cabagnot ay nagpalamang sa Beermen sa huling minuto.

“Maliban sa Beeracle, ito yung pinakamahirap namin na championship,” wika ni Arwind Santos.

Matatandaang ginawa ng SMB ang hindi inaasahan noong 2016 Philippine Cup Finals nang makabalik sila mula sa isang 0-3 deficit para talunin ang Alaska Aces.

MAY FOREVER SA SAN MIGUEL

“This championship is really special because a lot of people thought

that the dynasty will be broken and sabi nila there’s no forever and

that this dynasty will not last forever,” pahayag ni SMB coach Leo

Austria.

“But we’re so thankful we’re able to get this five-peat with a lot of

pride from our players because they always say that this is the legacy

of our team,” dagdag ni Austria.

ROMEO ‘DI MAGRERETIRO

Ang panalo ng SMB ay nagbigay ng unang PBA championship para kay

Terrence Romeo, na mas lalo pang nagutom para makakuha ng mas maraming tagumpay.

Matatandaang nagbiro si Romeo na magreretiro kung makamit niya ang

title na hinahanap niya simula na maging professional player siya

noong 2013.

“Masarap mag-champion at gusto ko pang makakuha ulit. Gusto ko pang magpagaling, gusto ko pang magpalakas para sa susunod na conference makatulong ako sa team,” wika ni Romeo.

Sa panalo ng Beermen, pinatunayan din ni Romeo na hindi totoong ‘malas’ siya.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment