EALA PASOK SA SINGLES, DOUBLES Q’FINALS

Ni ANN ENCARNACION

HUMAKBANG sa US Open ­juniors’ singles at doubles quarterfinals si Filipina tennis sensation Alex Eala.

Unang tinalo ng Pinay na ranked no. 2 sa torneo ang naka­laban sa singles event na si 15th seed Michaela Laki ng Greece sa three sets, 4-6/7-5/6-4, Miyerkoles ng gabi.

Dahil dito ay umabante sa quarterfinals ng singles event ang 16-anyos na Rafa Nadal Academy scholar at Globe Ambassador.

Kung malulusutan ang sunod na makakalaban na si Sebastianna Scilipoti ng Switzerland Biyernes ng madaling araw (Manila time), uusad si Eala sa singles semis round.

Samantala, wagi rin ang Pinay teen ace at kanyang partner na si Hanne Vandewinkel ng Belgium sa doubles Round of 16 kontra Greek Michaela Laki at Slovak Radka Zelnickova, nitong Huwebes ng madaling araw (Manila time).

Namayagpag ang tandem nina Eala at Vandewinkel laban sa pares ni Laki at Zelnickova sa three sets sa iskor na 6-3/3-6/10-6.

Dahil dito, pasok na sa doubles quarterfinals sina Eala at Vandewinkel, na sunod na makakatapat ang American duo na si Elizabeth Coleman at Madison Sieg, Biyernes ng madaling araw (Manila time).

70

Related posts

Leave a Comment