EDAD 40 KONTRA EDAD 30

0

(NI VIRGI T. ROMANO, Saksi Ngayon, Sports Editor)

SA pag-akyat ni Pacquiao (61-7-2, 39 knockouts) sa ring ngayon, ika-71 laban na niya ito. Muli ring lalabanan ng Pambansang Kamao ang kanyang edad na 40, upang ipakita sa lahat na may Natitira pa sa kanyang tangke.

Ito ang ikalawang pagsabak ni Pacquiao sa Amerika, matapos ang dalawang taon. Siya ay bumalik noong Enero at tinalo si Adrien Broner.

“Gusto kong ipakita sa lahat na kahit 40 na ako ay magagawa ko pa rin ang ginagawa ko dati,” lahad ni Pacquiao.

Ito rin ang ikalawang laban ng 30-anyos na si Thurman, makaraan ang dalawang taong pagliban sanhi ng injury.

Noong Enero ay tinalo ni Thurman si Josesito Lopez, kung saan nakitaan si Thurman ng pangangalawang, pero naitakbo pa rin ang panalo.

“This is a once in a lifetime opportunity to destroy a legend,” wika ni Thurman.

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment