Euro, Americas at final boxing Olympic qualifiers NABIKTIMA NG COVID-19

KANSELADO na ang European, Americas at final world qualifying boxing tournaments para sa Tokyo Olympic Games dahil sa coronavirus outbreak sa buong mundo.

Ito ang napagdesisyunan ng International Olympic Committee (IOC), sa pamamagitan ng Boxing Task Force (BTF) nito na siyang namamahala sa mga narurang events matapos ang  suspensyon ng world body AIBA noong nakaraang taon, makaraang mag-lockdown ang maraming bansa dahil sa Covid-19.

Bagamat hindi pa nagsisimula ang Americas at final world tournaments, nasa third day competition na ang 10-day European event sa London’s Copper Box nang bigla itong suspendihin dahil sa pandemic virus.

Sa kabila nito, 16 na lalaking boxers sa flyweights at featherweights ang nakasikwat ng tiket sa Tokyo Olympics bago ang shutdown noong Lunes ng gabi. Kabilang sa mga ito sina British flyweight Galal Yafai at Frenchman Billal Bennama.

Nauna rito, Linggo pa lang ay inutos na ng BTF na huwag magpapasok ng mga manonood o gawing closed doors ang European boxing event.

Natapos na ang Africa, Asia and Oceania boxing Olympic qualifiers habang ang  Americas event na naka-schedule aa Buenos Aires sa March 26-April 3 ay na-postpone noong nakaraang linggo.

Matatandaan na ang Asia and Oceania event, na dapat ay gagawin sa Wuhan, China na pinagmulan ng coronavirus, ay inilipat sa Amman, Jordan.

Ang huling worlds qualifier sa Paris ay magaganap sa May 13-20.

Tiniyak ng BTF na ilalabas nila ang mga detalye sa qualification process para sa ibang regions sa mga darating na araw.

Paliwanag ng task force, napilitan silang kanselahin ang European event sa gitna ng global travel restrictions at quarantine measures upang bigyang pagkakataon ang mga participant sa 60 bansa na makapag-adjust sa kanilang travel plans at makauwi sa kanilang mga tahanan.

Tiniyak pa ng BTF na araw-araw nilang e-evaluate ang sitwasyon upang makumpleto ang distribusyon ng mga natitirang Tokyo 2020 boxing quota places sa May at June.

“The BTF’s priority remains the qualification of athletes on the field of play, and it will inform all stakeholders as soon as more information is available,” giit ng IOC.

Related posts

Leave a Comment