EXTRA ELIGIBILITY YR SA SENIOR ATHLETES Kapag tuluyang kinansela ang NCAA 95

0

NAKATAKDANG pagkalooban ng ‘extra year of eligibility’ ang senior o graduating athletes na kalahok sa mga hindi matatapos na sports events sa sandaling tuluyang makansela ang NCAA Season 95.

Sa pamamagitan ni league’s Management Committee (ManCom) chairman Peter Cayco ng host school Arellano, nagsumite sila ng rekomendasyon sa Policy Board na kanselahin na ang nalalabing season ng liga. Kung mangyayari ito, ang mga senior athletes na walang problema ay daragdagan ng isang taon ang eligibility status.

“If it’s your final year, you still have one more year to play. Pero that is for those who have not completed their events,” pahayag ni Cayco sa panayam ng programang ‘FastBreak’ nina Freddie Webb at Boyet Sison sa DZMM.

“You can still play but we still have to clarify about the age. If you are still within the range, you can still play your final year,” dagdag niya.

Ang bawat student-athlete ay may limang taon para makapaglaro sa collegiate team at hanggang edad 25 lamang.

Kabilang sa mga maaapektuhan ng suspension ay: indoor volleyball, football, lawn tennis, soft tennis, track and field, under-15 basketball at beach volleyball at maging ang cheerdance competition.

“Actually, we proposed to the policy board to cancel na the rest of the season. We are still awaiting approval. But in the meantime, we were overtaken by the declaration of a lockdown. So we still have enough time to contemplate what to do,” paliwanag ni Cayco.

“But for us in the Management Committee, we have decided to recommend the cancellation for the rest of the season because it will eat up to Season 96.”

Dahil sa coronavirus outbreak, ilang beses nang nakansela ang mga event ng NCAA Season 82 at nitong nakaraang linggo ay muling sinuspinde ang mga laro matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila lockdown. (VT ROMANO)

 

Related posts

Leave a Comment