HULING HIRIT PARA KAY TAULAVA, ARANA

Asi Taulava-Ryan Arana

MAAARING ito na ang huling taon ng paglalaro sa PBA nina Asi Taulava at Ryan Arana.

Nauna nang tiniyak ni NLEX coach Yeng Guiao na pinag-uusapan na nila ang bagong kontrata ni Taulava sa Road Warriors.

“Most likely, he will return,” ani Guiao. “We are still determining, are we going to give him a conference, a half-year contract, or a full-year contract. ‘Yun din ang ine-evaluate namin.”

Inamin ni Guiao na nasa transition period ngayon ang koponan na kinabibilangan ng big guys na sina si Poy Erram, JR Quinahan, Raul Soyud, at rookie Will McAloney. At magiging malaking tulong sa kanila si Taulava.

“Kailangan na rin kasi ma-elevate na ‘yung nasa baba para mag-umpisa na rin ‘yung transition,” paliwanag ng NLEX coach.

Sa edad na 46, ang Filipino-Tongan ang pangalawa sa pinakamatandang manlalaro sa  kasaysayan ng PBA, kasunod ni legendary Robert Jaworski na naglaro hanggang sa edad na 51.

Taong 1999 nang pumasok sa PBA si Taulava at tinanghal bilang Most Valuable Player noong 2003.

Samantala, pumirma na ng one-conference contract ang nagbabalik sa Rain or Shine na si Arana.

Ang 36-anyos na guard ay naging second-round pick (12th overall) ng Elasto Painters noong 2007 draft.

Huling naglaro si Arana para sa NorthPort Batang Pier ngunit naging unrestricted free agent bago pa magsimula ang Governors Cup noong nakaraang taon.

Si Arana ang latest veteran player na kinuha ng Elasto Painters ngayong season. Nauna sa kanya si Sidney Onwubere, na pumirma ng isa at kalahating taong kontrata, at Jewel Ponferrada, na may three-year pact.  (EBG)

124

Related posts

Leave a Comment